Baste Duterte on breakup with Ellen Adarna: "Puwede bang past is past na?"

IMAGE Noel Orsal

Hindi na raw nagulat si Baste Duterte nang pagalitan siya ng amang si President Rodrigo Duterte sa publiko dahil ginagawa na raw ito sa kanya kahit noong mayor pa ng Davao ang pangulo.


Aminado si Sebastian "Baste" Duterte na mahiyain talaga siyang tao.

Pero nang nakaharap niya ang entertainment press sa kauna-unahang pagkakataon, medyo nag-loosen up ang pangatlong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa katunayan, gumamit pa ito ng isang salita na popular sa gay lingo.

Sa grand presscon ng Lakbai, isang reality-adventure show sa TV5 at una niyang TV project, isa sa mga unang tinanong kay Baste ay kung maaari bang mag-guest ang kanyang ex-girlfriend na si Ellen Adarna.

Natatawang tugon ni Baste, “Wala namang problema, trabaho lang, e. Char.”

Dito nakakita ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na matanong ang anak ng presidente kung bad breakup nga ba ang nangyari sa kanila ng aktres.

Napaisip si Baste sabay sagot ng, “Siya na lang ang tanungin niyo.”

Balik-tanong namin sa kanya, “Hindi ba lalaki dapat ang sasagot?"

Natatawang sabi ni Baste, “Ganun ba yun? E, paano yung women empowerment?"

Dito na nagkatawanan ang mga taong dumalo sa presscon.

Tanong ulit ng PEP, “Pero nagmahalan kayo? Mahal mo siya?”

Aniya, “Matagal na yun...no comment, no comment na lang.”

Isa pang tanong namin, “Umabot daw ng one year ang relationship ninyo?”

Seryosong sagot ni Baste, “Hindi naman umabot ng one year. Hindi naman, mali info mo. Puwede bang past is past na?”

Sa tanong naman kung nag-overlap ang relasyon niya kay Ellen at sa ina ng kanyang anak na si Kate Necesario, tanging “no comment” ang sagot nito.

Nakausap ng PEP at ilan pang media si Baste kasama ang kanyang mga co-hosts na sina S’boi Malicay, Andrei Apostol, at Bogart The Explorer, sa Novotel Hotel, Araneta Center, Cubao, Quezon City, kahapon, May 12.

NOT NEW. Nitong mga nakaraang buwan, naging tampulan ng biro ni Pangulong Duterte si Baste sa kanyang mga public speeches.

Sinabi pa nga nitong hindi na naasikaso ni Baste ang anak dahil abala ito kay Ellen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ani Baste, hindi na bago sa kanya ang banggitin siya ng ama sa mga speeches nito.

Kuwento ng bagong TV5 host, “Hindi naman. Sanay na ako, sa Davao pa dati. Kahit sa local TV [pinapagalitan rin niya ako].”

NEW SHOW. Tungkol sa show niya, ang "lakbai" ay isang salita sa Bisaya na ang ibig sabihin ay, “Lakad na tayo, kaibigan,” or “Alis na tayo, pare.”

Mapapanood ito simula Linggo, May 21, pagkatapos ng PBA sa Kapatid network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN