Jasmine Curtis-Smith questions Mocha Uson's appointment as PCOO assistant secretary

IMAGE Noel Orsal

Isa sa mga artistang kinuwestiyon ang appointment ni Mocha Uson bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ay si Jasmine Curtis-Smith.


Hindi rin nakalagpas sa TV5 star na si Jasmine Curtis-Smith ang appointment ni Mocha Uson bilang bagong assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Noong Martes, May 9, kasunod ng pag-appoint ni President Rodrigo Duterte kay Mocha bilang assistant secretary, kaagad na nag-retweet ang Kapatid actress ng picture ng appointment paper ng sexy singer/ social media influencer.

Sabi niya, “THE PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE?!?

"Teka

"Communications..............

"But the track record......"

Ilan sa mga followers ng aktres ay umayon sa tweet nito tungkol sa pagkaka-appoint kay Mocha.



Isa namang follower ang nagkomento na wala raw 'yan sa track record, pagiging disente o pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan kung wala namang ginagawa sa bayan.

Bahagi ng sagot ni Jasmine, "Iba yata pagkaintindi mo with 'track record...'"


Ipinagtanggol naman ng supporters si Mocha Uson. May isang kinumpara si Jasmine sa ate nitong si Anne Curtis.




May ilan ding nagsabi na gusto lang daw mapag-usapan ni Jasmine kaya raw ito nakisakay sa issue.


 

Pero tila hind naman naapektuhan si Jasmine sa bashing na tinanggap niya.

Noong May 10, isang araw matapos niyang mag-tweet tungkol kay Mocha, nag-retweet ang dalaga ng isang mensahe mula sa kanyang followers.

Nakalagay dito ang larawan ng isang aso na nasa itaas ng puno ng niyog, kasama sina Mocha, Senator Tito Sotto, at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu.

May caption ang naturang tweet na, “Do you ever look at stuff and wonder how they got there?”

Mensahe ni Jasmine, “Lol,” na ang ibig sabihin ay "laugh out loud."

Hindi lang si Jasmine ang celebrity na naghayag ng pagkadismaya sa appointment ni Mocha. Nauna na sa kanya sina Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon at G Tongi.


Stories We Are Tracking

G Tongi slams Mocha Uson's appointment
G Tongi slams Mocha Uson's appointment
Mariel de Leon apologizes; wishes Mocha Uson success
Mariel de Leon apologizes; wishes Mocha Uson success
Mocha Uson responds to Mariel de Leon's tweets
Mocha Uson responds to Mariel de Leon's tweets


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN