Sandy Andolong stands by daughter Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon amid bashing

IMAGE @mariaangelicadl on Instagram / Allan Sancon

Nagpahayag ng suporta si Sandy Andolong para sa anak na si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon na nakaranas ng bashing dahil sa pagkuwestiyon nito sa appointment ni Mocha Uson bilang assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Matapang daw at mapagkumbaba ang kanilang reyna sa pamilya.


“Our brave and humble queen.”

Ganito inilarawan ni Sandy Andolong ang kanyang anak na si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon.

Ito ay bahagi ng kanyang mensahe bilang pagsuporta sa anak na kamakailan ay kinuwestiyon ang appointment ni Mocha Uson bilang assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Kahapon, May 12, nag-apologize ang dalaga sa mga na-offend sa kanyang opinyon.

Nirepost naman ni Sandy sa Instagram ang statement of apology ng anak kalakip ang caption na ito: "We love you Maria Angelica de Leon our brave & humble queen.”

We love you Maria Angelica de Leon our brave & humble queen

A post shared by Sandy_Andolong de Leon (@sandy_andolong_de_leon) on

Matatandaang dinumog ng supporters ni Mocha si Mariel matapos nitong sabihing hindi qualified si Mocha sa posisyon at marami raw ang mas karapat-dapat.

Narito ang tweets ni Mariel noong Martes, May 9, “Biased and disrespectful. She insults those who are against her. I'm not for her, I'm not for the other side (whatever that may be)."

"I love my country so it breaks my heart to know someone like her got a position in the govt."


Stories We Are Tracking

Mariel de Leon apologizes; wishes Mocha Uson success
Mariel de Leon apologizes; wishes Mocha Uson success
Mocha Uson responds to Mariel de Leon's tweets
Mocha Uson responds to Mariel de Leon's tweets
Mariel de Leon thumbs down Mocha Uson's appointment
Mariel de Leon thumbs down Mocha Uson's appointment

May inspirational message din si Sandy sa anak na hindi naman daw nito kailangang pansinin ang ibang tao kung wala itong nakikitang maganda sa kanya.

Narito ang bahagi ng quote: "You don't have to spend your days hoping that other people will finally see your worth."

Blessed & joy filled weekend to all???? @mariaangelicadl

A post shared by Sandy_Andolong de Leon (@sandy_andolong_de_leon) on

Bukod kay Mariel, hindi rin nakaligtas kay G Tongi at Jasmine Curtis-Smith ang pagkahirang kay Mocha sa Malacañang.


Stories We Are Tracking

Jasmine Curtis-Smith questions Mocha Uson's appointment
Jasmine Curtis-Smith questions Mocha Uson's appointment
G Tongi slams Mocha Uson's appointment
G Tongi slams Mocha Uson's appointment


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN