Rayver Cruz clarifies why he's not yet courting Janine Gutierrez: "Sobrang busy nun, di ba?"

IMAGE Rommel Gonzales

Rayver Cruz clarifies why he's not courting Janine Gutierrez yet: "Importante sa akin na maging close kami, nagkaroon kami ng pagkakaibigan. Ang importante naman yun muna at ayokong magsalita nang tapos."

 


Pagkatapos ng breakup niya kay Elmo Magalona, nali-link ngayon si Janine Gutierrez kay Rayver Cruz.

Kamakailan kasi ay kumalat sa social media ang ilang larawan kunsaan magkasama sina Rayver at Janine.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Rayver nung nakaraang linggo sa rehearsal para sa Star Magic 25th anniversary na ginanap sa 3rd floor ng ELJ Bldg., ABS-CBN compound sa Quezon City, agad naming tinanong ang aktor kung ano ba talaga ang totoong estado na relasyon nila ni Janine sa ngayon.

Paliwanag niya, “Siguro kasi nakasama ko si Janine sa resto/bar ni Ate Lot [Lotlot de Leon, Janine's mom], tapos may mga pictures na lumabas.

“Nakakatawa nga, ang bilis ng pagkalat.

“Basta ni-link agad, dun nag-start yun.

“Sobrang bait kasi nung tao, sobrang down to earth, masaya kasama.

“Actually, yung mommy niya talaga close sa akin, Spirits [2005 ABS-CBN teleserye] pa lang, tapos ka-work siya ni Rodjun [his older brother] sa isang show sa kabila [GMA-7].”

GIRLFRIEND MATERIAL? Aminado si Rayver na taglay ni Janine ang marami sa mga katangian na gusto niya sa isang babae, pero nilinaw din niya na hindi pa siya nanliligaw sa aktres.

“Sobrang busy nun, di ba?

“Gusto ko naman si Janine—yung personality niya, mabait.

“Pero yung nandun tayo sa ligawan stage, di pa naman nangyayari.

“Crush? Oo naman, sino namang hindi magkaka-crush sa kanya? Sobrang ganda, sobrang bait, girlfriend material.

“Sobrang mahal niya ang pamilya niya, God-fearing, down to earth, sobrang saya kasama, sobrang kalog.

“Di mo makikita na Janine Gutierrez siya,” pagpuri niya sa aktres.

GROUP DATES. Aminado rin si Rayver na paminsan-minsan ay lumalabas sila kasama ang ilang kaibigan ni Janine, at ini-enjoy niya talaga ang pagkakaibigan nilang dalawa.

“Once in a while I text her, minsan lumalabas kami ng friends niya.

“Pag may time na puwedeng malabas, lalabas kami pero sobrang dalang, sobrang busy kasi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa, hindi pa kami nakakalabas na kami lang,” paglinaw niya.

“Importante sa akin na maging close kami, nagkaroon kami ng pagkakaibigan.

“Ang importante naman yun muna at ayokong magsalita nang tapos.

“Kung saan man kami dalhin, kung anumang diskarte ang gawin ko ngayon, malalaman naman ng mga tao, di naman para itago ko pa.

“Ang sinasabi ko lang, ang importante magkaibigan kami, sobrang busy din kasi niya, pero let’s see,” lahad pa niya.

PROJECTS. Nang kumustahin naman namin ang mga pinagkakaabalahan niya sa ngayon, naghihintay lang naman si Rayver sa ibibigay sa kanya ng ABS-CBN.

“Right now ASAP, album ko pa rin, nagmu-mall shows pa rin ako.

“Casino Fiipino shows this May.

“Serye? Oo nga e, sana soon. May inaayos kami,” pahabol pa ni Rayver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN