LJ Reyes thanks son Aki for teaching her unconditional love

IMAGE Rose Garcia

Single mom LJ Reyes thanks her son Aki for teaching her unconditional love: "Actually, si Aki talaga ang nagturo sa akin ng unconditional love. Oo, God has an unconditional love for us. Pero never kong na-realize kung gaano kalalim yung love na yun until I had Aki."

 


Pitong taon na si Ethan Akio, o Aki, ang nag-iisang anak ni LJ Reyes sa dati nitong boyfriend na si Paulo Avelino.

May ilang taon na ring hiwalay sina LJ at Paulo kaya tumatayo siyang single parent sa anak.

Aminado ang Kapuso afternoon prime lead star ng D' Originals na hindi raw madali ang maging isang single mom.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ kamakailan sa taping ng naturang GMA-7 show sa GMA Annex Building.

Ayon kay LJ, "Mahirap. Mahirap, hindi lang sa pagiging nanay, kundi sa pagiging parent.

“Mahirap talaga. You have to provide for your kid.

“Hindi naman madali especially ngayong age na 'to, di ba?

"Parang medyo mahirap din ang buhay, so hindi siya madali na mag-provide rin para sa anak mo.

“Plus, siyempre kailangang palakihin mo siya to be a godly man, a good man.

"Yun, hindi naman yun overnight na nangyayari.

“Hindi yun madadaan sa isang araw na pagdidisiplina.

“Ang pagiging multi-tasker talaga, lahat ikaw."

BONDING WITH SON. Ang nagiging bonding daw nilang mag-ina ngayon ay ang usong activity box na puwede nilang orderin.

May nagbigay eaw nito sa kanila at ito ang naging daan para ma-introduce sa anak ang Science.

Kuwento ni LJ, "Rocket kasi yung activity, so si Aki, nagustuhan niya at na-excite siyang mag-Science.

“Sa school kasi nila, ngayong Grade 2 pa lang merong Science."

Ang pagiging malambing daw ni Aki ang isa sa hindi nito nakakalimutan.

Patuloy pa niya, "Kapag nakikita kasi ako nu'n, alam ko, hindi tayo dapat nagpapakita na umiyak.

“Minsan kasi nahuhuli niya ko.

“Kunwari may problema ako, ganyan, nahuhuli niya ko.

"Sasabihin niya, kung ano yung ginagawa sa kanya.

“Isasandal niya 'ko sa kanya. E, ang liit-liit niya. Igaganun niya 'ko sa dibdib niya.

"'It's okay, Mommy. I'm here, Mommy. I love you. You're the best Mommy in the world.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FINDING UNCONDITIONAL LOVE. Bilang isang ina, paano niya ilalarawan ang sarili niya?

"Loving," mabilis na sagot ni LJ.

"Actually, si Aki talaga ang nagturo sa akin ng unconditional love.

“Oo, God has an unconditional love for us.

“Pero never kong na-realize kung gaano kalalim yung love na yun until I had Aki.

"Kasi, through Aki, naramdaman ko kung paano tayo mahalin ng Diyos.

“Sobrang overwhelming sometimes ang feeling.

“Kahit na pagod ka or ano, palaging yung anak mo pa rin ang iintindihin mo."

Nakita namin sa Facebook account ni LJ na isang araw bago mag-Mother's Day, kumain siya at ang boyfriend niyang si Paolo Contis, kasama si Aki at ang mommy ni Paolo na si Jean Contis, para sa pagdiriwang nila ng Mother's Day.

NEW YORK TRIP. Tingin ni LJ, ang magiging selebrasyon talaga niya para sa Mother's Day magaganap sa New York kunsaan nakatira ang mommy niya, at kunsaan din magbabakasyon sila ng dalawang linggo simula sa May 16.

Kadalasan, araw ng Kapaskuhan siya kung dumalaw sa mommy niya tulad nga noong nakaraang December.

Bakit nga ba tila napaaga ang pagbabakasyon nila?

Rason niya, "E, kasi si Mama naglalambing.

“Mabilis lang naman, habang bakasyon pa si Aki."

Kasama rin daw nilang muling mag-ina si Paolo sa pagbisita sa mommy niya.

Ayon kay LJ, "Parang nabitin kasi ako, nabitin kami ni Mama nung last time.

“Kasi nung last na punta namin dun, two weeks lang.

“Nung last time kasi, kasama ang auntie ko, uncle ko, saka pinsan ko.

"Parang overwhelming ang trip namin.

“Nag-New York, nag-L.A. Parang feeling ko, nabitin si Mama.

“Ako rin, nabitin din ako na kasama ang Mama ko.

"Siyempre, mas madali namang mag-adjust na ako ang pumunta run kesa siya ang pumunta.

“So parang yun na ang Mother's Day celebration namin.

“Usapan nga namin, kahit yung birthday nila ni Aki, dun na rin ise-celebrate—advance kasi nga, July sila pareho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN