Why was Vilma Santos holding up her fist to Ai-Ai delas Alas's fiancé?

IMAGE Allan Sancon

Star For All Seasons Vilma Santos to Ai-Ai delas Alas: "Sigurado ba ito Ai-Ai?"; and to Gerald Sibayan: "Huwag mo lokohin, ha?" Vilma made like she would punch Gerald if he plays with Ai-Ai's heart. Gerald and Ai-Ai were engaged last April 12.


Kagabi, May 14, pormal na ipinakilala ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang fiancé na si Gerald Sibayan sa Star For All Seasons at Batangas Representative Vilma Santos.

Naganap ang kanilang pagkikita sa 48th Box Office Entertainment Awards ceremony ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), na ginanap sa Henry Lee Erwin Theater ng Ateneo de Manila University.

Bandang dulo na ng awarding ceremony nang dumating ang congresswoman.

Namataang bumeso kay Vilma si Ai-Ai, at saka ipinakilala ng komedyana rito ang kanyang fiancé na si Gerald. 

Pabirong nagbabala si Mayor Vilma na mananagot ang binata sa kanya kapag niloko nito si Ai-Ai.

Nakangiting tanong ng actress-politician, “Sigurado ba ito Ai-Ai?"


Pagkatapos ay tinignan ni Vilma si Gerald, sabay bilin ng, "Huwag mo lokohin, ha?”  

Kunwari'y akmang susuntukin ni Vilma si Gerald, sabay bawi, at pagkatapos ay hinaplos  sa mukha ang binata. 


Ani Vilma kay Gerald, “Joke lang!”  


Pinarangalan ng Guillermo Box Office Awards si Vilma ng Bert Marcelo Lifetime Achievement Award para sa ambag ng Star For All Seasons sa larangan ng pag-arte. 

Si Ai-Ai ay nakatanggap ng Global Achievement by a Filipino Artist plaque of recognition, dala ng pagkapanalo niya ng Best Female Actor award, para sa pelikulang Area, sa 7th Queens World Film Festival, New York.

Sa kanyang thank-you speech, buong-pagmamalaking sinabi ni Ai-Ai kung gaano niya iniidilo ang Star For All Seasons. 

Narito ang bahagi ng pahayag ni Ai-Ai: “Dini-dedicate ko po ito sa aking mga anak at sa aking darling. Yihee! Nakakahiya naman!  

“At, siyempre, ang idol ko nandito. Ate Vi, idol na idol kita!

“Hanggang ngayon nga nasa-starstruck pa rin ako sa kanya, e. Natutulala ako.”  

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN