Regine Velasquez still gets affected by online bashing

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez may have been in the industry for a very long time, but admits that she still gets affected by criticisms, especially online bashing. 


Aminado si Regine Velasquez na kahit matagal na siya sa showbiz industry, naaapektuhan pa rin siya ng bashers.

Pahayag niya, “I still get affected, and that’s me.

"I’ve been here like hundred years, [but] I still get affected, we’re humans."

Paliwanag ng Kapuso singer-actress, hindi pa rin siya sanay kahit iba't ibang batikos na ang ipinukol sa kanya sa maraming taon niya sa industriya.

Saad niya, “Sometimes kasi, people think na we’re so sanay na sanay, na kahit anong ibato mo, immune na. It’s not true.

“Especially with social media, kasi they’re ordinary people trying to somehow criticize you and judge you.

"Walang basis. Ang basis lang nila, picture.

“Kasi ako, ang mga press nung araw, nauso din yung paninira, tira-tira.

"Pero yun, ako, I don’t even mind that.

"I mean, I get hurt, but I know it’s part of your work.

“Ito hindi, e,” pagtukoy niya sa bashing sa social media.

“[People] just do it for the sake of… and it’s personal.

"Tapos, ang mahirap, they’re nameless, they’re faceless.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa grand launch ng Mulawin vs Ravena, na ginanap sa Hive Hotel, nitong Lunes, May 15.

Gagampanan ni Regine sa bagong primetime series na ito ng GMA Network ang papel ni Sandawa, ang dyosa ng Kalikasan.

ANSWERING BASHERS. Aminado si Regine, 47, na sinasagot niya ang ibang bashers, lalo na kung idinadamay na ng mga ito ang mga mahal niya sa buhay.

"Sometimes I do, before. Especially pag kay Nate, kay Leila."

Si Nate ang anak ni Regine at ng mister niyang si Ogie Alcasid.

Si Leila naman ay anak ni Ogie sa una nitong asawa na si Michelle Van Eimeren.

Nasa poder ngayon nina Regine at Ogie si Leila, na lumaki sa Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ng Asia's Songbird, “Pag bata, pag anak mo, dun lang ako nagre-react.

"Pag sa sarili ko, e, di okay. E, di, ikaw na!

“Sasabihin nila na matanda na ako, e, totoo naman, matanda ako. Maa-affect pa ba ‘ko?

“Laos na 'ko, pero andito pa rin ako.

“Pero parang [tungkol] sa akin, di masyado inaano yun, kasi I don’t care.

“Naa-affect ako when it’s family, when it’s my children, when it’s my husband.

“Ang feeling ko, you don’t know us for you to be saying things like that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN