Marian Rivera on Ai-Ai delas Alas and boyfriend: "Mas in love yung lalaki."

IMAGE Noel Orsal / Instagram (@msaiaidelas alas)

Marian Rivera firmly believes that her good friend Ai-Ai delas Alas finally found her destiny in her boyfriend, Gerald Sibayan: "Siguro sa lahat din ng nangyari sa buhay niya, deserve niya naman maging masaya."


Kinumpirma ni Marian Rivera na magiging malaki ang partisipasyon niya sa kasal ni Ai-Ai delas Alas sa boyfriend nitong si Gerald Sibayan.

Sa kanyang naunang interview, sinabi ni Ai-Ai na si Marian ang sasagot sa kanyang wedding gown at bouquet of flowers.

Read: Ai-Ai delas Alas says Marian, Bossing Vic, Ate Vi will be part of her wedding entourage

“Si Kambal din talaga, malaking parte sa buhay ko.

"Isa ‘yan sa mga masasabi kong malapit sa puso ko talaga,” pag-amin ni Marian sa press conference ng weekly OFW-themed drama anthology na Tadhana, kung saan siya ang magiging host.

Ginanap ang presscon nitong nakaraang Biyernes, May 19, sa GMA Corp. Building sa Quezon City.

Magsisimula naman ang teleserye ngayong Sabado, May 20.

"Kambal" ang tawagan nina Marian at Ai-Ai dahil ginampanan nila ang papel ng kambal sa 2013 comedy film, Kung Fu Divas.

“MAS IN LOVE ANG LALAKI KAY KAMBAL.” Natatawa ring biro ni Marian ni binabantaan niya si Gerald pagdating kay Ai-Ai.

“Nilokoko ko palagi, kasi siyempre may mga pagkakataon kasi na ang hirap, kasi kung hindi mo kilala yung tao, kung hindi mo alam ang totoong nangyari sa istorya, parang wala ni katiting na karapatang manghusga ka talaga sa kapwa mo,” lahad ng aktres.

Pagbabahagi pa niya, ang hindi raw nakikita ng mga tao, mas in love daw si Gerald kay Ai-Ai.

Lahad niya, “Kasi ako, behind the camera, nakikita ko kung paano silang dalawa at masasabi ko talaga mas in love yung lalaki talaga kay Kambal.

“Oo, totoo.

"Sabi ko, ‘Kambal, ikaw na! Ang haba ng hair mo.’”

Naniniwala rin daw si Marian na natagpuan na ni Ai-Ai ang kanyang tadhana.

“Mismo. So masaya ako para sa kanya.

“Siguro sa lahat din ng nangyari sa buhay niya, deserve niya naman maging masaya,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN