Regine Velasquez wants to know real score between Bianca and Miguel: "Ayaw umamin sa akin, e."

IMAGE Noel Orsal (main), Instagram/migueltanfelix_ (inset)

"Kung sila na ba? Ano na ang status nilang dalawa? Basta nangungulit lang ako," says Regine Velasquez-Alcasid who has been trying to get Bianca Umali and Miguel Tanfelix (inset) to admit the real score between them.


Kabilang si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa kinikilig kapag nakikita niyang magkasama sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Dahil sa nakasama na niya ang Kapuso love team sa show niyang Full House Tonight, panay ang kulit niya sa dalawa kung may relasyon na ang mga ito.

“Kinukulit namin sila Miguel at Bianca tuwing taping namin ng Full House Tonight kung sila na ba.

"Ano na ang status nilang dalawa? Basta nangungulit lang ako.

“Pero wala silang masagot. Tumatawa lang sila.

“Hanggang sa mag-last taping day na kami ng Full House Tonight, wala kaming nakuhang sagot!

"Maingat masyado ang mga bagets!

"Ayaw mabuking ng lola nila!” tawa pa ni Regine nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand press launch ng GMA-7 telefantasya na Mulawin VS. Ravena sa The Hive Hotel in Quezon City.

Magkasama ulit sa big cast ng Mulawin VS. Ravena sina Regine at ang BiGuel (tawag sa love team nina Bianca at Miguel), pero hindi raw makukulit ni Regine ang dalawa dahil hindi sila magkasama sa taping location.

“Magkaiba ang location namin dito, e. I think mas marami silang shoot sa studio at may ibang location sila.

“Kaya sad ako, kasi wala akong makukulit na bagets!

"Walang mangha-harass sa kanila kung sila ba o hindi?

“Kung anuman meron silang dalawa, balitaan n’yo na lang ako, kasi ayaw umamin sa akin, e!” sabay tawa pa ulit ni Regine.

MISSING NATE. Dahil balik sa paggawa ng isang TV series si Regine, parati na raw niyang nami-miss ang anak na si Nate.

Hindi naman daw niya madala sa set si Nate dahil masyado raw malayo ang location.

Sa studio set naman daw ay baka atakehin ito ng hika.

“Gustuhin ko man na isama si Nate, sobrang layo ng location namin. ‘Tsaka, mainit, ‘di ba? Mapapagod lang ang bagets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa studio naman, may props kasi silang mga lupa-lupa doon.

"Yung alikabok baka makapag-trigger ng hika kay Nate, kaya hindi advisable na isama ko siya roon.

“Kaya every time na may libreng araw ako, I spend it with Nate.

“Kasi huli akong nag-teleserye was Poor Señorita pa.

"Last year pa iyon. Ginagabi rin ako noon sa taping.

“Yung Full House Tonight naman, mabilis lang ang taping namin. Parang Sarap Diva lang. Mabilis akong matapos at nakakauwi ako agad.

“Ngayon kasi, telefantasya ito, e.

"Maraming oras na ginugugol sa costume, sa makeup, yung pag-ilaw sa set, yung mga props.

"It’s a big production talaga na hindi puwedeng madaliin.

“Kaya late na akong nakakauwi talaga at minsan, tulog na si Nate,” sabi pa ni Regine.

Kaya sa location daw ay parati niyang tinatawagan or pine-Facetime si Nate para kumustahin.

“Depende kung may signal din sa location.

“Kapag nakatiyempo, ayan may Facetime kami ng bagets.

"Pero kadalasan I will just call him and ask him what he’s doing.

“Nalulungkot ang bagets kasi working na naman daw ako sa malayo.

“Kaya I make sure na naglalaro kami parati kapag nasa bahay lang ako.

"Kahit pagod na ang lola ninyo, okey lang kasi na-miss ko rin ang baby ko,” pagtapos pa ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN