Christian Bautista hints at possible engagement with non-showbiz GF: "Gulatan na lang."

IMAGE Noel Orsal

Despite his efforts at keeping his love life private, Christian Bautista hinted that he's firming up his plans of eventually settling down with his non-showbiz GF Kat Ramnani: "Yeah, getting there. Naiisip na, naiisip na. Gulatan na lang."


Mula nang matapos magkuwento si Christian Bautista tungkol sa kanyang love life sa naunang presscon ng Encantadia noon, umiiwas na ang singer-actor na pag-usapan ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Kat Ramnani, head ng music content sa Globe Telecom.

Paliwanag niya, “Desisyon lang na just to keep it private.

“It’s there naman. Her name is Kat.

“You can research naman, e. It’s there.”

Mas magaan daw para kay Christian ang maging tahimik tungkol sa kanyang love life.

Sabi pa niya, “Yeah, it fits my personality, e.

“Kasi my personality is very quiet and shy, and it’s weird nga na ako yung nasa showbiz, 'no?

“Pero mas pasok yata.”

WEDDING PLANS? Hindi itinatanggi ni Christian ang pagnanais niyang makasal sa nasabing non-showbiz girlfriend.

“Yeah, getting there,” ang mabilis niyang sambit.

“Naiisip na, naiisip na,” na ang tinutukoy niya ay ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

“Gulatan na lang,” dugtong pa niya sa magiging proposal or engagement niya sa kasintahan.

“I’m ready,” patuloy niya sa usapin ng kasal.

Matipid ang mga sagot ni Christian sa mga tanong tungkol sa kasal at love life, kaya pinili na lang naming tanungin siya kung bakit ginusto nitong maging pribado ang relasyon niya sa kasintahan?

“Well, basta decision na rin, me and her. 'Tsaka past experience na rin.

“Yeah, prepared na rin... Sorry, ha?” paumanhin niya sa pagiging matipid na magbahagi ng ilang impormasyon sa love life.

CAREER OR LOVE? Bakit ngayon lang niya naisip na mag-settle down na, samantalang ngayon pa lang siya nagsisimulang mahasa sa pag-arte?

Lahad niya, “Siguro my age siguro. I’m 35.

“No pressure naman. Papunta na rin doon.

“All roads leading to that naman na, e.”

Paano yung iba niyang pangarap na subukan ang Broadway o makapasok sa West End, London gaya ng ex-GF niyang si Rachelle Ann Go at ng iba pang singer na nagkaroon ng puwesto sa Miss Saigon, Les Miserables at iba pang award-winning Broadway musicals?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, “I know some. Hindi ko na lang sasabihin.

“Isang married actor-singer na in-offer-an rin ng Broadway role, pero because of responsibilities here, he had to refuse and we have to respect that.

“Pero if that happens, I have to talk to my partner about that and then we’ll decide together.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN