Did Paolo Ballesteros go on vacation with rumored boyfriend?

IMAGE Screengrab from Paolo Ballesteros Instagram

Paolo Ballesteros went on a vacation recently with a mystery guy. Could this be his rumored boyfriend Roland Amog?


Kamakailan ay nagbakasyon ang Eat Bulaga! host na si Paolo Ballesteros kasama ang isang mystery guy.

Base sa mga detalye sa kanyang mga Instagram posts, malaki ang posibilidad na ang kasama niya ay ang kanyang rumored boyfriend, ang dancer na si Roland Anog.

Noong May 15, nag-post si Paolo sa Instagram ng picture ng isang puno kunsaan naka-engrave ang “RP14.”

Maaaring ang RP ay ang initials nina Roland at Paolo habang ang 14 naman ang hinihinalang petsa ng kanilang monthsary.

??U

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Bago nito, noong May 14 ay nag-post din si Paolo ng picture ng magkahawak na kamay na may matching tattoos. Ang caption niya sa post na ito ay “3rd” kasama ang isang heart at isang rainbow na emoji.

3rd. ??????

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Noong May 17 naman, nag-post din si Paolo ng isang picture ng dalawang lalaking nakatalikod. Nakasulat din sa photo ang “Suguicay 05.17.17.”

Ang Suguicay ay isang island sa Mindoro, na maaaring tumutukoy sa lugar kung saan sila nagbakasyon.

Day 4. ??

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Noong May 18, nag-post muli si Paolo ng picture niya kasama ang isang lalaki habang nakaupo sa batuhan sa beach habang nanonood ng sunset.

Ang tangi namang caption ng award-winning actor sa post ay kiss, heart, at rainbow emojis.

??????????

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Noong May 19 naman ay nag-post si Paolo ng picture niya kasama ang nakasombrerong lalaking hindi kita ang mukha.

Saad niya sa post, “Puyat. Pagod. Antok.”

Puyat. Pagod. Antok. ??????

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Bagamat wala pang anumang tuwirang pahayag si Paolo tungkol sa relasyon nila ni Roland, marami naman ang nag-iwan ng magagandang komento sa mga posts niya dahil sa hinihinalang pagkakaroon niya ng love life.



ROLAND ANOG. Noong Abril unang napabalita ang hinihinalang karelasyon ni Paolo nang mag-post siya sa Instagram ng litrato ng dalawang magkahawak na kamay na may matching Cartier rings.

Saad sa caption niya ang katagang “2nd” na budbod din ng heart at rainbow emojis.

Nananatiling tikom si Paolo tungkol sa katauhan ni Roland, subalit makikita sa Facebook account ng huli na matagal-tagal na silang magkakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinakilala rin ni Roland ang sarili sa Facebook bilang isang “dancer/photographer.”

Minsan nang nag-iwan ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Roland noon, subalit hindi niya ito sinagot.

Tumanggi ring magbigay ng pahayag sa PEP si Paolo.

Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais ibigay nina Paolo at Roland tungkol sa ulat na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN