Coleen Garcia to file formal complaints against ex-cop in road-rage incident

IMAGE Rachelle Siazon

Coleen Garcia on ex-cop who allegedly harassed her and her companions in a road-rage incident this wekend: "That man threatened my driver and PA. He said, 'Kung dala ko lang yung baril ko, patay na kayong tatlo!' and formed his hand in the shape of a gun and aimed his hand right at my driver's face."


Desidido si Coleen Garcia na maghain ng pormal na reklamo laban sa isang dating pulis kaugnay ng kinasangkutang road-rage incident nitong nakaraang weekend sa Taguig City.

Ayon sa naunang Facebook post ni Coleen, ang ex-cop na ito ang diumano’y nang-harass sa kanila ng kanyang driver at personal assistant.

Nakalmot din daw siya nito sa mukha.


Stories We Are Tracking

Coleen Garcia relates road-rage incident involving ex-cop
Coleen Garcia relates road-rage incident involving ex-cop

COMPLAINT FILED. Sa update ng Ikaw Lang Ang Iibigan star, ibinahagi nitong nagsumite na siya ng report sa Makati Police Station tungkol sa nakaengkuwentrong ex-cop.

Ang update ni Coleen ay mababasa sa Facebook post niya noong May 21, kung kailan niya inilahad ang kinasangkutang road-rage incident sa Bonifacio Global City, Taguig.

Pagbabahagi niya, “I've already filed a report in the Makati police station, and I learned that the officers we were dealing with last night were actually MARSHALS.

"I asked them over and over last night though, 'Diba po Pulis kayo?' and they didn't deny it, so I was under the impression that they were actual police officers, which is why I was so frustrated by their lack of action.”

Ang tinutukoy na “marshals” ni Coleen ay ang mga napagkamalan niyang “pulis” na rumesponde nang mangyari ang insidente.

Ang tanging tulong na ibinigay umano ng mga ito ay tanungin ang aktres kung nais nitong pag-usapan at ayusin ang nangyari sa istasyon ng pulis.

Sa comments section ng kanyang post noong Linggo, sinabi ng aktres na napagkamalan niyang pulis ang marshals.

Samantala, nagkomento ang kaibigan ni Coleen na si Luis Manzano at nagmungkahing magsampa siya ng reklamo.

Sabi naman ng aktres, tinanong niya ang mga “pulis” kung maaari siyang magsampa na lang ng reklamo.

Sumagot umano ang mga “pulis” na ito na hindi na sila makakatulong.


Pero dugtong ni Coleen, ang “marshals” na ito ay authority figures pa rin.

“They are still authority figures nonetheless and it's still their job to resolve matters such as this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm still disappointed by the way the marshals handled (or failed to handle) the situation…”

Nilinaw naman ng aktres na nakipagtulungan sa kanya ang totoong mga pulis nang magsampa siya ng reklamo sa Makati City.

Inamin din daw ng mga pulis na nagkulang ang “marshals” sa kanilang ginawang pagresponde sa nangyari.

“[B]ut the POLICE officers at the station were very helpful with everything. I really want to extend my gratitude to PCSUPT TOMAS C. APOLINARIO JR for assisting us through the entire process. He was a great help, and everyone was so reasonable! I'm very confident that this will be resolved soon.

“Even they admitted that the marshals did not respond the way they should have, and they are going to take all the necessary and appropriate actions to resolve this. For that, I am very grateful.”

THREAT. Ibinahagi rin ni Coleen sa kanyang post na pinagbantaan umano ng ex-cop ang kanilang buhay nang mangyari ang insidente.

Narinig daw ito ng kanyang driver at PA.

“I wasn't able to mention this because I didn't hear it myself, but that man threatened my driver and PA.

"He said, ‘Kung dala ko lang yung baril ko, patay na kayong tatlo!’ and formed his hand in the shape of a gun and aimed his hand right at my driver's face.

"So yes, we are planning to push through with our complaints against him."

Tiniyak naman ni Coleen na maayos na ang kanyang lagay at nagpasalamat sa mga nagpakita ng malasakit sa kanya.

Gusto rin daw niyang matiyak na ang ginawang harassment sa kanya ng dating pulis ay hindi na nito magagawa pa sa iba.

“To everyone asking, I'm okay and I thank you so much for your concern. It's easy for me to move on from this, but I just want to make sure that this man doesn't harass or assault anyone else ever again.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN