Vickie Rushton unfollowed boyfriend Jason Abalos on Instagram

IMAGE @vimrushton on Instagaram / Jason Abalos on Facebook

In-unfollow na ni Vickie Rushton sa Instagram ang kanyang nobyong si Jason Abalos. Lumikha naman ito ng haka-haka mula sa netizens na baka raw naapektuhan ang relasyon ng dalawa dahil sa kinasasangkutang kontobersiya ngayon ng aktor.


May pinagdadaanan ba ang relasyon ni Jason Abalos at ng girlfriend nitong si Vickie Rushton?

Ito ang tanong ng maraming netizens matapos mapansing in-unfollow ni Vickie si Jason sa Instagram nitong Linggo, May 21.

Sa search box sa 'Following' ng Instagram account ni Vickie, ‘No users found’ na ang makikita kapag ita-type ang account ni Jason na @thejasonabalos.


Samantala, nananatili pa ring pina-follow ni Jason si Vickie.


Duda ng ilang netizens, ang pag-a-unfollow ni Vickie kay Jason ay may kinalaman sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng aktor.

Ito ay ang pagsisiwalat ng isang female netizen tungkol sa pangha-harass umano sa kanya ni Jason sa social media.

Ayon sa netizen na nagngangalang Luise Ramiscal, pinadalhan umano siya ng aktor ng malalaswang mensahe sa Facebook messaging at maging sa text.

Nagdesisyon daw si Luise na i-post sa social media ang screenshots ng mga mensahe ni Jason sa kanya upang maging babala sa iba.

Sabi pa ni Luise, may iba pang mga babae na kumontak sa kanya at nagpadala ng screenshots ng malalaswang mensahe na ipinadala rin umano sa kanila ni Jason.


Stories We Are Tracking

Netizen accusing Jason Abalos of indecency mulls filing case
Netizen accusing Jason Abalos of indecency mulls filing case
Jason Abalos accused by female netizen of
Jason Abalos accused by female netizen of "indecency"

REACHING OUT TO VICKIE. Nitong nakaraang Sabado, May 20, ibinahagi ni Luise sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang screenshot ng pag-uusap nila ni Vickie, ang girlfriend ni Jason, sa pamamagitan ng direct messaging sa Twitter.

Base sa kanilang pag-uusap, ikinuwento ni Luise Kay Vickie ang tungkol sa screenshots ng mga mensahe sa kanya ng aktor.

Ayon sa former Pinoy Big Brother: All In housemate, nabasa na niya ang mga ito.


Hindi na ibinahagi ni Luise sa amin ang kabuuan ng kanilang pag-uusap ni Vickie..

Nagpadala na rin ang PEP ng mensahe kay Vickie, sa pamamagitan ng Facebook at Instagram, ngunit hindi pa ito tumutugon sa aming hiling na panayam.

Ngayong araw, May 23, nagpadala rin ang PEP ng text message sa numero ni Jason upang makahingi ng statement. Hindi pa siya sumasagot sa aming mensahe. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN