Sunshine Cruz appeals to daughter Angelina's critics: "Let's give her a chance to improve."

IMAGE Instagram (@sunshinecruz718)

Sunshine Cruz on daughter Angelina's critics: "She's only 15 and she's trying her best naman. If she's not attractive for your taste, we will respect that."


Ipinagtanggol ni Sunshine Cruz ang panganay na anak na si Angelina Isabele Montano mula sa ilang netizens na pumuna sa guest appearance ng dalaga sa episode ng Gandang Gabi Vice (GGV) noong Linggo, May 21.  

Bukod kay Angelina, anak ni Sunshine sa estranged husband na si Cesar Montano, guests din sa naturang episode ang iba pang celebrity kids; sina Iñigo Pascual (anak ni Piolo Pascual), Leila Alcasid (anak nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren), at Andre Yllana (anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez).

Sa Instagram ay nag-post si Sunshine ng larawan ni Angelina na kuha sa guesting nito sa Gandang Gabi Vice.

Sa comment section ay ilang followers ng aktres ang nag-iwan ng mensahe tungkol sa TV appearance ng anak.

Pinuna ng ilan ang 15-anyos na dalaga dahil sa pagiging English-speaking nito at ang kilos nito.

Mapapansin ding burado na ang ilang negative comments kung pagbabasehan ang sagot ng ilang netizens at sagot ni Sunshine.

Narito ang ilang pagpuna sa anak ni Sunshine:




Sagot naman ng Wildflower actress, bata pa ang kanyang anak at baguhan pa lamang sa industriya.

Nakiusap din siyang bigyan ng pagkakataon si Angelina para mag-improve, dahil sinisikap naman daw nitong maging mahusay.

Sinabi rin ni Sunshine na nirerespeto niya kung mayroon mang hindi nagagandahan sa kanyang anak.

Pero sa kabila nito, proud si Sunshine sa anak na nag-trend pa sa Twitter dahil tinutukso ito kay Iñigo.



Nagpasalamat naman ang aktres sa mga papuri sa kanyang anak.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN