Janus del Prado rants about being disrespected by "N.A."

IMAGE Noel Orsal

Janus del Prado rants about being disrespected by a fellow celebrity who goes by the initials "N.A."


Galit na galit ang mensahe ni Janus del Prado sa social media tungkol sa isang kapwa-artista na pinangalanan lamang niyang "N.A."

Sa kanyang Instagram account, ipinakita ni Janus ang screenshot ng Facebook post kung saan binantaan niya ang isang "bagito" sa showbiz.

Sabi ng 32-year-old actor sa kanyang Facebook post: "Hoy N.A. Subukan mo ko titigan ulit ng masama na parang kakasa ka pag nakasalubong kita ulit kundi ko sipsipin yang mata mo at toothbrushin kita ng siko ko.

"Bagito ka pa lang kung tutuusin sa industria."

Kasunod nito, isang paalala ang iniwan ni Janus para kay N.A., "Wag ka mayabang. Respeto naman sa mga nauna sayo. Goodnight."

Tsk!Tsk!Tsk! Hay...

A post shared by Janus Del Prado (@janusdelprado) on

Bagamat hindi tuwirang pinangalanan, may ilang followers ni Janus ang nanghula na ang "N. A." na tinutukoy niya ay ang kapwa-Kapamilya talent na si Nash Aguas.


May ilan naman ang nagpayo kay Janus na kumalma lamang at huwag nang pansinin ang pinatatamaan niyang bagitong aktor.


Si Janus, kagaya ni Nash, ay nagsimula rin sa showbiz industry bilang child actor.

Kabilang sa mga pelikulang ginawa niya noong bata pa siya ay ang Batang X (1995) at Magic Kingdom (1997).

Karamihan ng mga proyekto niya ay para sa ABS-CBN at Star Cinema.

Siya ay anak ng yumaong character actor na si Renato del Prado.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating ni Janus at "N.A." tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN