Martin del Rosario happy for friend Kylie Padilla

IMAGE Noel Orsal

Martin del Rosario on being a Kapuso: "Masaya po ako sa GMA. Okay po ang kontrata, maganda yung mga shows na binibigay sa akin."


Masaya raw si Martin del Rosario para sa kaibigang si Kylie Padilla, na kasalukuyang buntis sa una nilang anak ng nobyong si Aljur Abrenica.

Naging close sina Martin at Kylie nang magkasama sila sa Kapuso afternoon drama series na Buena Familia noong 2015.   

Sabi ng Kapuso actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Happy ako para sa kanya!

“Nagkita nga kami, e, sa opening ng sushi bar ng friend namin.

“Masaya siya, kinongratulate ko siya, masaya siya.”

Si Aljur ay hindi raw niya ganoong ka-close.

“Hindi ko pa siya nakakasama sa project, pero nagkakausap naman kami,” sabi ni Martin.

Si Martin naman ay walang nililigawan o girlfriend ngayon.

“Mas masaya nga, e, pag single!” natatawang sabi niya.

“Lahat talaga nagagawa mo.”

HAPPY WITH GMA-7. Samantala, tatlong taon pa ang kontrata ni Martin sa GMA Network.

“Kasi parang next year [matatapos], tapos automatic renew.

“So, bagong meeting na naman, pero automatic yata na three years.”

Wala raw mairereklamo si Martin sa GMA Network.

“A, wala! Masaya po ako sa GMA.

“Okay po ang kontrata, maganda yung mga shows na binibigay sa akin.”

Kasama si Martin sa Mulawin vs Ravena bilang si Aramis.

Sa Sabado naman, May 27, siya ang bida sa episode ng Magpakailanman na “The Healing Touch of Love:The Noriel Bañes Story.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN