Liza Diño defends President Duterte's declaration of martial law in Mindanao

IMAGE Photo from Liza Dino's Facebook

Liza Diño: "Nagkakamatayan na sa Marawi pero anong ginagawa ng iba? Ginagamit ang pagdeclare ng martial law para punahin at husgahan ang presidente. Tingin nyo may naitutulong? Respeto naman."


Ipinagtanggol ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) head Liza Diño ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa martial law ang Mindanao sa loob ng 60 araw.

Idineklara ng Pangulo ang martial law sa buong Mindanao bunsod ng paghahasik ng gulo ng Maute terrorist group sa Marawi City.

Hati ang reaksiyon ng publiko sa desisyon ng Pangulo.

Ngunit isa si Liza sa sumusuporta sa naging hakbang ni Duterte.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ng FDCP head na ang desisyon ng Pangulo ay “logical at objective.”

Ipinost din niya ang kahulugan ng martial law mula sa Wikipedia: “Martial law is the imposition of direct military control of normally civilian functions of government, especially in response to a temporary emergency such as invasion or major disaster, or in occupied territory."

Pahayag ni Liza, na kilalang Duterte supporter: "Just by the definition alone, what the president declared is logical and objective. He is just doing his job to protect the rest of the territory."

Ngunit sa halip na makipagtulungan at magpakita ng suporta, ilan sa ating mga kababayan ang hinalungkat pa ang madilim na nakaraan ng bansa sa ilalim ng martial law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sabi ni Liza: “Lahat ng hugot tungkol sa martial law ni Marcos naglabasan bigla. The stigma. The fear.

“I know it's hard to take away what Martial Law means to the Filipino people bec of what happened during the Marcos Era.”

Ngunit hindi raw ito ang tamang panahon na maglabas ng opinyon tungkol sa nakaraang martial law.

“But now is not the time to do that. Actually, it would be so insensitive and just plain selfish for the rest of us to impose our own thoughts about the stigma of Martial Law at this time of conflict and terror.”

Dagdag pa ni Liza, mas makabubuti kung magmasid, maghintay, at humanap ng paraan upang makatulong sa sitwasyon sa Marawi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“How hard is it to wait and see and keep what's best for the people there in mind?

“How hard is it to set aside our personal opinions and just find ways to help?

"How hard is it to respect our PRESIDENT who has the hardest job right now of keeping the rest of the Philippines safe?

“Walang mawawala sa kung ito muna ang gawin nyo.”

Sa isa pang status ni Liza, sinabi niyang sa halip na makatulong ang iba, mas pinapalala pa ng mga ito ang sitwasyon sa pamamagitan ng paglalabas ng kanilang opinyon at conspiracy theories.

“For once, set aside your personal opinions and unfounded conspiracy theories!

"Nagkakamatayan na sa Marawi pero anong ginagawa ng iba? Ginagamit ang pagdeclare ng martial law para punahin at husgahan ang presidente. Tingin nyo may naitutulong?

“Respeto naman.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN