Xian Lim leaves fans puzzled with "Goodbye for now" IG post

IMAGE Noel Orsal

Nag-aalala ang mga tagahanga ni Xian Lim dahil sa matalinhaga nitong mensahe sa Instagram na "Goodbye for now."


Ikinabahala ng mga tagahanga ni Xian Lim ang kanyang Instagram post kahapon, May 24.

Sa kulay na itim na background ay nakasulat ang mensaheng ito: “Goodbye for now.” 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

Deactivated ang pagpu-post ng comments sa comment section ng Instagram account ni Xian, kaya walang nakapagtanong na followers kung ano ang ibig sabihin ng aktor sa kanyang mensahe.

Sa naunang post, nagpahayag ng pag-aalala ang mga tagahanga ng 27-year-old Kapamilya actor.

Ayon sa ilan, baka may gagawin lang pelikula si Xian sa malayong lugar at kailangan nitong mag-focus doon.

Ang ilan naman ay nagsabing baka raw napuno na ang damdamin ng aktor dahil sa bashers at haters.







Sa Twitter, nagpaabot din ng mga mensahe ng pagkabahala ang ilang followers ni Xian:

Hanggang ngayon ay hindi pa malinaw ang dahilan kung bakit nagpaalam si Xian sa kanyang mahigit 800,000 followers sa Instagram.
Pero para naman sa mga nakapanood ng pelikulang Dear Other Self, naaalala nila na ang "Goodbye for now" ay naging linya ni Xian sa isang eksena nila ni Jodi Sta. Maria.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN