Paolo Ballesteros posts another photo with rumored boyfriend on IG

IMAGE Instagram (@pochoy_29)

Paolo Ballesteros posts another picture showing the face of his rumored boyfriend. 


Muling nag-post ng larawan si Paolo Ballesteros kasama ang pinaniniwalaang boyfriend—ang dancer na si Roland Ochoa Anog.

Ipinost ni Paolo ang larawan sa kanyang Instagram account noong Linggo, May 22.

Tanging caption ng Eat Bulaga! host sa larawan ang salitang “poge” at isang heart emoji.

Ito ang latest photo ni Paolo kasama si Roland pero sa mga nakalipas na linggo, ilang beses na ring nag-post ng larawan ang actor-host na kasama ang napapabalitang boyfriend na kita ang mukha.

Bago ito, hindi ipinapakita ni Paolo ang mukha ng nali-link na lalaki sa kanya sa kanyang previous posts.

Poge ??

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Sa artikulong lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 16, natalakay ang pagbibigay ng clue ni Paolo na may karelasyon siya.

Ipinost ng actor-host ang magkahawak na kamay na may suot na matching gold rings.

Bagamat hindi ipinakita ang mukha ng kasamang lalaki ni Paolo, nag-post si Roland sa Facebook ng larawang ipinapakita ang kaparehong gold ring ng Die Beautiful actor.

Nitong weekend, nag-post naman si Paolo ng larawang kuha sa bakasyon niya sa beach. Kasama rin niya rito ang isang lalaki.

Sa mga larawan kung saan kasama ni Paolo ang isang lalaki, hindi ipinapakita ang mukha nito.


Stories We Are Tracking

Paolo Ballesteros on vacation with rumored boyfriend?
Paolo Ballesteros on vacation with rumored boyfriend?
Who is Roland Ochoa Anog in Paolo Ballesteros's life?
Who is Roland Ochoa Anog in Paolo Ballesteros's life?

Samantala, magkakahalo ang reaksiyon ng netizens sa ipinost na larawan ni Paolo; may mga negatibo at mga positibo.

May mga hindi matanggap ang pag-amin ni Paolo, habang ang iba naman ay pinupuna ang nababalitang boyfriend nito. 



Pero ang fans ni Paolo, nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa aktor at masaya raw sila basta masaya ang kanilang idolo.



 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN