Lolit Solis unleashes fangirl self upon seeing Kim Soo Hyun in person

IMAGE Instagram/lolitsolispr (Lolit), Wilson Chua (Kim)

Talent manager Lolit Solis was not able to contain herself upon seeing My Love From The Star lead actor Kim Soo Hyun. She screamed "I love you!" which caught the attention of the South Korean actor.


Hindi makapaniwala ang talent manager na si Lolit Solis na sa edad na 70, mahuhumaling siya sa mga Koreanovela at mababaliw siya sa mga Korean actor.

Nang malaman ni Lolit na dumating si Kim Soo Hyun sa bansa noong Miyerkules, gumawa siya ng  paraan na maimbita sa launch kanina sa Okada Manila Hotel ng Samsung QLED  television, ang bagong product endorsement ng lead actor ng My Love From The Star.

Alas-dos nang hapon ang imbitasyon pero alas-dose pa lang, pumunta na si Lolit sa venue ng product launch dahil excited siya na makita nang personal si Kim Soo Hyun.

Nang buksan ang pinto ng presscon venue, fangirl na fangirl na nagsisigaw at kumaripas ng takbo si Lolit dahil nakipag-unahan siya sa pagpasok para makakuha ng puwesto na maganda.

Nang tawagin sa stage si Kim Soo Hyun, hindi napigilan ni Lolit na ipakita sa Korean actor ang sariling version niya ng popular Korean finger heart gesture.

Sa sobrang kaligayahan, napasigaw si Lolit ng malakas na “I love you!” na ikinagulat ng lahat dahil siya lamang ang nag-iisa na nagkaroon ng lakas ng loob na ipahayag ang nararamdaman.

Nakuha ni Lolit ang atensyon ni Kim Soo Hyun na nakangiti na  tumingin sa direksyon ng talent manager na halos matunaw sa tuwa dahil sa acknowledgment sa kanya ng sikat na Korean actor.


“My God, at the age of 70, hindi ko akalain na magiging ganito ako,” ang sabi ni Lolit na pinaghahandaan naman ang pagbisita sa Pilipinas sa November 2017 ng kanyang ultimate favorite Korean actor na si Song Joong Ki, ang bida ng Descendants of the Sun.

Pagkatapos ng event, nagmamadaling umuwi ng bahay si Lolit dahil panonoorin niya uli ang DVD copy ng My Love From The Star, ang Koreanovela na lalong nagpasikat kay Kim Soon Hyun.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN