Gabby Eigenmann assures sister Andi of brotherly advice

IMAGE Courtesy of GMA Network

Gabby Eigenmann says he will always be there for sister Andi Eigenmann: "Sino pa kasi ang magtutulungan kundi kami-kaming magkakapatid, di ba? Ako ang panganay sa magkakapatid and it's my responsibility na maging maayos silang lahat."

 


Never daw magsasawa ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann sa pagtanggol sa kanyang kapatid na si Andi Eigenmann.

Kahit na marami na ang napapagod sa paulit-ulit na pakikisagutan ni Andi sa pamilya ni Jake Ejercito sa social media, patuloy pa rin daw ang kanyang suporta dito.

Ito raw kasi ang ipinangako ni Gabby sa kanilang yumaong amang si Mark Gil, na hindi niya pababayaan ang kanyang mga nakababatang kapatid.

“Sino pa kasi ang magtutulungan kundi kami-kaming magkakapatid, di ba?

“Ako ang panganay sa magkakapatid and it’s my responsibility na maging maayos silang lahat.

“Si Andi kasi, she speaks her mind talaga. Hindi ko na mababago iyon.

“Pero kapag kausap ko naman siya, nakikinig siya sa akin.

“She says sorry naman na masyado na raw niya akong naaabala.

“But I tell her na sometimes she has to be careful sa mga sinasabi niya o sa mga tini-tweet niya.

“Hindi lang kasi siya ang apektado rito kundi pati ang anak nila ni Jake na si Ellie.

“Bilang kuya, siyempre, gusto mong sundin ka sana, di ba?

“Pero nasa tamang edad na si Andi, e.

“Whether she listens to me or not, it’s all up to her.

“Basta ako, ginawa ko ang makakaya ko bilang nakakatandang kapatid nila,” pahayag ni Gabby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand press launch ng GMA-7 teleserye na My Love From The Star sa Studio 7 ng GMA Annex Building noong May 18.

NO ISSUE WITH JAKE. Pero dahil kaibigan niya rin daw si Jake, idiniin ni Gabby na hindi siya nakikialam sa mga isyu nito kay Andi.

Paliwanag niya, “Matagal ko na kasing kaibigan si Jake, and my friendship with him has nothing to do sa nangayayari sa kanila ni Andi.

“I don’t use my friendship with Jake para maiba ang anumang desisyon nito bilang ama ni Ellie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas okey naman na nag-uusap sila nang maayos ni Andi.

“Yung palitan nila ng sagot sa social media, it will not help them fix things.

“I’m happy now kasi medyo tahimik na ang lahat.

“Pati si Tita Jane [Jaclyn Jose], kalmado na rin.

“Mas magandang magkaayos sa tahimik na paraan, di ba?” ngiti pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN