Mocha Uson on using photo of Honduran soldiers in FB post: "Common sense na it is a symbolism."

IMAGE Noel Orsal / Facebook

Mocha Uson justifies her post where she used an old photo of Honduran soldiers to ask for prayers for the Philippine Army: "Ang caption ko lang ay ipanalangin natin ang ating mga sundalo. Hindi ko sinabi sundalo natin yan."


Binuweltahan ni Mocha Uson ang mga bumatikos sa kanyang Facebook post, kung saan ginamit niya ang larawan ng Honduran soldiers upang manawagan ng dasal para sa mga Pilipinong sundalo na nakikipagsagupa sa Maute terrorist group sa Marawi City.

Ginawa ni Mocha ang post nitong Linggo, May 28.

May mga pumuna sa post na ito ng kasalukuyang assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Binatikos ng radio disc jockey na si Mo Twister, via Instagram, ang panawagan ni Mocha na ipagdasal ang mga sundalong Pilipino, pero ang ginamit ay lumang larawan ng mga sundalo sa bansang Honduras.

Ang news website namang Rappler ay naglathala ng artikulong may titulong “FACT CHECK: PCOO's Mocha Uson shares wrong photo of PH army.”

“USE YOUR COMMON SENSE.” Sa kanyang pinakabagong Facebook post, pinanindigan ni Mocha ang kanyang naunang post.

Pahayag ng PCCO assistant secretary at kilalang solid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte:

“[M]insan gumamit din ng common sense wag masyadong mag magaling.

“I did not say na Philippine Army yan. I did not say that picture was taken from Marawi.

“It's a symbol of army praying."

Rason pa ni Mocha, “Pag nag post ba ako ng picture ni Rizal na sumusulat at sabihin ko na tuloy ang laban para sa kalayaan ibig sabihin si Rizal ang lalaban???

“Siyempre hindi dahil patay na si Rizal.

“Pag nagpost ba ako ng picture ni Bonifacio na may hawak na itak at may caption na tuloy ang rebolusyon ibig bang sabihin ay lalaban tayong naka itak???”

Diin niya, “Pls naman gamit naman ng COMMON SENSE. Wag mema lang.

“JOURNALIST KAYO DIBA?”

Paliwanag pa niya, “Ang caption ko lang ay ipanalangin natin ang ating mga sundalo. Hindi ko sinabi sundalo natin yan.

“Hindi yan tulad ng Inquirer na gumamit ng picture at sinabing yun ay nangyayari sa Marawi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Common sense lang na hindi sa atin yan kasi may flag sila sa vest nila.

“Ba't ko ipopost na sa Pilipinas yan e may flag nga ng ibang bansa.

“Common sense na it is a symbolism.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN