Sharon Cuneta falls victim to fake news in social media

IMAGE Noel Orsal

Sharon Cuneta has yet to comment on the fake news going viral in social media, alleging she admits being HIV-Positive.


Kumakalat ngayon sa social media ang fake news kung saan inamin diumano ni Sharon Cuneta na siya ay HIV-positive.

Ang maling balitang ito, na inilabas ng asia-newstv.com website, ay may headline na “'Enough is enough' as actress reveals HIV positive.”

Ginamit dito ang larawan ng Megastar na kuha nang magbalik siya sa ABS-CBN noong 2015.


Nakasaad din sa artikulo ang diumano'y panayam ni Sharon sa isang foreign news agency.

Nabanggit din sa maling balitang ito ang pangalan ng kanyang asawa na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan at kanilang bunsong anak na si Miguel.


Kung susuriin ang Facebook posts ng singer/actress/TV host, mapapatunayang peke talaga ang report na ito.

Taliwas sa nakaka-depress na nilalaman ng fake news, ibinalita ni Sharon sa kanyang followers kahapon, May 30, na patuloy ang taping niya para sa weekly singing talent search show na The Voice Teens, kung saan isa siya sa celebrity coaches.

Bukod dito ay nabanggit din ng Megastar na nagsimula na siyang mag-shoot para sa una niyang Cinemalaya film.


Stories We Are Tracking

Why is Sharon Cuneta worried about her Cinemalaya film?
Why is Sharon Cuneta worried about her Cinemalaya film?
Sharon apologizes for Gabby movie postponement
Sharon apologizes for Gabby movie postponement

Sunud-sunod din ang posts ni Sharon para sa kanyang concert tour sa America.

Mensahe ni Sharon, “No days-off na ako. I still don't want to complain but parang ang low na ng energy ko talaga at di na ako 30. Ngek. Hahaha!

“Shooting continues almost all of next week and work is tuloy-tuloy na until two days before I leave for my U.S. concert tour!

“I am so grateful to God for these blessings and pray for strength and health and energy for all my work plus all the 'extras' I have to constantly deal with in my life nowadays.”

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingin ang pahayag ni Sharon tungkol sa fake news na ito, sa pamamagitan ng private message sa kanyang Facebook account, ngunit wala pa itong sagot sa aming mensahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN