President Duterte lashes out at Chelsea Clinton for calling him "murderous thug"

IMAGE Courtesy: Presidential Communications Facebook page

President Rodrigo Duterte has a question to Chelsea Clinton, daughter of former US President Bill Clinton and former US Secretary of State Hillary Clinton: "When your father the President of the United States then, was screwing Lewinsky and the girls there at the White House, how did you feel? Did you slam your father?"


“I am a man of sarcasm.”

Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bumabatikos sa kanyang ikalawang rape joke, na binitawan niya sa kanyang talumpati sa Iligan City, noong Biyernes, May 26.

Nagpaliwanag ang Pangulo sa kanyang talumpati sa 119th anniversary celebration ng Philippine Navy, sa Sasa Wharf, Davao City, ngayong Miyerkules, May 31.

Umani ng maraming batikos, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, ang naturang rape joke ni Duterte.

Isa sa international personalities na kumondena sa Pangulo ay si Chelsea Clinton.

Tinawag siya nitong “murderous thug.”

Sa kanyang talumpati ngayong hapon, binuweltahan ng Pangulo ang anak ni dating US President Bill Clinton at former US Secretary of State Hillary Clinton.

Aniya, “Kayaga ni Chelsea, she slammed me for the rape joke.

"I was not joking. I was being sarcastic, you listen to the speech.

“Sabihin ko sa kanya, ‘When your father, the President of the United States then, was screwing Lewinsky and the girls there at the White House, how did you feel? Did you slam your father?’”

Si Monica Lewinsky ay intern sa White House taong 1995-1997 noong nakaupo pa si Bill Clinton bilang Pangulo ng Amerika.

Lumutang naman ang scandal noong 1998, kung saan inamin ni Monica na may sekswal na nangyari sa kanila ng Presidente sa loob mismo ng Oval Office.

Inulit pa ni Pangulong Duterte ang tanong kay Chelsea.

“Kaya kayong mga Amerikano, si Chelsea, be careful because you live in a glass house.

“... I repeat, ‘When President Clinton was f___king Lewinsky, what was your statement or your reaction?’”


Stories We Are Tracking

Agot Isidro reacts to Duterte's latest rape joke
Agot Isidro reacts to Duterte's latest rape joke
Ex-tennis champ, gov't officials react to Duterte's rape joke
Ex-tennis champ, gov't officials react to Duterte's rape joke
Clinton daughter slams Duterte's rape joke
Clinton daughter slams Duterte's rape joke

NOT JOKING. Paliwanag ng Pangulo, hindi niya literal na inutusang manggahasa ang mga sundalo.

Pinaaalahanan niya lamang daw ang mga ito na lahat ng kanilang gagawin habang umiiral ang batas militar sa Mindanao ay siya ang mananagot.

Ayon pa sa kanya, hindi siya nagbibiro sa kanyang binitawang salita kaya hindi ito matatawag na rape joke.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I was not joking when I was lecturing to…

"I am a man of sarcasm. Have you not noticed that?

“Nung magsabi rape, rape… sinabi ko ba na mang-rape kayo mga sundalo… ako ang magsagot sa inyo because as Commander-in-Chief, I hold responsible for everything and anything that is done and in consequence of martial law.”

Ayon pa sa Pangulo, dapat intindihing mabuti ang mga sinasabi niya sa kanyang mga talumpati.

“I and I alone will be criminally responsible.

'Kaya iyung salita ko ikonekta ninyo, e, itong mga p_ta 'pag marinig ng rape…”

Sabi pa niya, “Sarcastic ako magsalita. Binabaligtad ko yung…

"Sabi nga ni [Senator Panfilo] Lacson, rhetoric. E, laking bugoy ako, e.

"I was not joking, I was being sarcastic."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN