Sharon Cuneta laughs off fake news about her being HIV-positive

IMAGE Instagram photo of Sharon Cuneta

Sharon Cuneta on viral fake news about her being HIV-positive: "FAKE NA FAKE PO ANG NEWS NA YAN!"


Idinaan na lang sa biro ni Sharon Cuneta ang reaksiyon sa fake news tungkol sa pag-amin diumano niyang HIV-positive siya.



Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta falls victim to fake news in social media
Sharon Cuneta falls victim to fake news in social media

Nang makarating sa kanya ang tungkol sa fake news, agad na nilinaw ng Megastar na hindi ito totoo.

Pahayag ni Sharon sa kanyang Facebook post kaninang madaling-araw, June 1: “On my way home from The Voice: Teens taping.

"Uunahan ko na kayo para po aware na aware na kayo at pakipagkalat na din po na may biglang suddenly widowt eyni warning ay MERON DAW PO AKONG HIV!!!

“SANTISSIMAMADREDESANAMAGANNAMAN nanang ko po!!!

“FAKE NA FAKE PO ANG NEWS NA YAN!”

Patuloy niya, “Kung meron po talaga akong HIV, ang ibig sabihin lang po nito ay I am HUNGRY sa kakadiet, but I am ISLOWLY becoming really VERY sexy again! HAHAHA! Joke! Pero puede ring hindi joke.”

Sa kabila ng kanyang pagbibiro, muling idiniin ng The Voice Teens coach, “Basta po yung may sakit daw po along HIV is SUPER FAKE NEWS. God have mercy on the souls of those responsible for this horrible 'joke.'”

Sa huli, pabirong humirit si Sharon sa mga nagpapalaganap ng fake news tungkol sa kanya.

Aniya, “Uuy...excited ako makita ang punishment ni Lord sa inyo! Yehey!

“Ang inaapi ay pinagpapala! Yahoo may blessings na naman a[k]ong parating dahil sa kasamaan ng ibang tao!!! Teynk yu po! Mabalos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN