Sef Cadayona denies romantic relationship with Maine Mendoza

IMAGE Noel Orsal

Sef Cadayona on being bashed by AlDub supporters: "Sana kapag may mga friends siya, respetuhin din ng mga tao, kung kaya nila. Kasi, love din naman nila si Maine. Same goes with Alden."


Hindi pa man humuhupa noon ang balita tungkol sa breakup nina Sef Cadayona at Andrea Torres, lumabas din ang isyung nagli-link sa Kapuso comedian at kay Maine Mendoza.

Dahil sa pagkaka-link niya kay Maine, marami ang namba-bash kay Sef.

Identified kasi si Maine sa tambalan nito with Alden Richards, ang AlDub, at napakarami nilang mga masugid na tagahanga.

Ngunit iginiit ni Sef na magkaibigan lamang sila ni Maine, taliwas sa usap-usapang may relasyon diumano sila.

Pahayag ni Sef sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Friends po talaga kami, as in.

“Parang sa amin, sa mga kabigan niya, bakit parang bawal siyang makipagkaibigan?

"Kasi, wala naman."

Paano sila naging magkaibigan ni Maine?

“Sa [Eat] Bulaga... sa Bulaga po talaga kami nagkikita.

“Kasi, di ba, ang dalas kong mag-guest nun, every Saturday?

"Tapos, nandun sila nila Alden. Ang dalas naming magkakasama.

“So, siguro nung time na nasa lobby kami, tapos si Alden ang nandun, nakakapagkuwentuhan.

“Na hindi naman kaming dalawa lang, ang daming staff, ganun. Biglang ginanun na.”

Si Alden daw ang nagpakilala sa kanya kay Maine.

BARKADA. Sa kabila ng mga pangba-bash na natatanggap niya, tuloy pa rin naman daw ang pagiging magkaibigan nila ni Maine. 

Kasama rin sa barkada nila sina Juancho Trivino at Sheena Halili.

Ayon kay Sef, “Opo, at saka marami naman po kami.

“Iba naman po kapag kaming dalawa lang, siyempre, iba yun.”

Itinanggi ni Sef na lumalabas sila ni Maine na sila lang dalawa.

“Never, never pang nangyari yun,” diin niya.

“Kami, okey kami, magkakasama kami.

“Magkakaibigan kami at walang malisya kahit na ano. Tropa-tropa."

Pakiusap pa niya sa mga tagasuporta ni Maine, “Sana kapag may mga friends siya, respetuhin din ng mga tao, kung kaya nila.  

“Kasi, love din naman nila si Maine. Same goes with Alden.”

Kumusta naman sila ni Alden?

Ayon kay Sef, “Actually siya, parang hinahayaan niya lang. Lahat naman lilipas din. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may ilalabas naman, never naman akong nagtago.”

Kung sila nga talaga ni Maine, ilalabas at aaminin niya kahit may ka-love team ito?

“Oo naman,” tugon niya.

“Pero siyempre, hindi pang-sira ng trabaho.

“Pero wala kasi, kaya ang hirap.

“At saka, first time ko kasing magkaroon ng ganitong sitwasyon, sa totoo lang.”


Stories We Are Tracking

Is Maine alluding to rumors linking her to Vico, Sef?
Is Maine alluding to rumors linking her to Vico, Sef?
Sef Cadayona posts cryptic message about
Sef Cadayona posts cryptic message about "false rumors"
Was Maine's videoke session with friends held at Sef's house?
Was Maine's videoke session with friends held at Sef's house?

HANDLING BASHERS. May mga ilang netizens na sinasabihan siyang “user” o “manggagamit” dahil sa pagkakaugnay niya kay Maine.

Paano tinatanggap ni Sef ang mga pambabatikos sa kanya?

“Ano lang, kapag nakikita ko, okay... binabasa ko,” sabi niya.

Hindi siya naaapektuhan?

“Hindi, kaya hindi ko binubura.”

Naka-private na ang social media accounts niya?

“Hindi, nag-private ako ng thirty minutes. Kasi, isang libo yata ang messages sa akin. 

“Pero ang pinakamaganda dun, yung mga parang solid Aldub fans, sinasabi nila na, ‘Uy, irespeto niyo naman. Irespeto niyo naman si Alden. Irespeto niyo si Menggay.’”

Ano ang reaksiyon ng pamilya niyang idinadamay rin sa isyu sa kanila ni Maine?

Ayon kay Sef, “Sabi ng mama ko at ng dad ko, yung mga ganun, hindi mo dapat binibigyan ng atensiyon.

“Kasi, kapag binigyan mo, yun ang kine-crave nila, yung mga bashers, na mapansin sila, masagot sila. 

“At saka kapag ginawa mo yun, gaganti ka ba ng masasakit na salita rin kesa sa hayaan mo na lang sila ng magsabi ng masasakit?  

“Pabayaan mo na yung ganung klase ng tao.”

Pero ano ang reaksiyon niya sa usap-usapang mula sa pamilya niya raw mismo nanggaling ang balitang may relasyon sila ni Maine?

Natawang sagot ni Sef, “Yun nga, nabalitaan ko rin yun.

“Sabi ko, 'Wow, ha, sa lahat-lahat ng naging karelasyon ko?'

“Walang katotohanan. Hindi ganun ang family ko."

Ayon kay Sef, hindi pa nakikilala ni Maine ang pamilya niya.

MEANT TO BESamantala, masaya si Sef sa development ng karakter niya sa Meant To Be, at gayundin ang pagtanggap ng mga manonood sa primetime series nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Sobrang nag-e-enjoy ako!

“Nakakatuwa, kasi from kids hanggang sa mga mommies, e, tuwang-tuwa, which is basically yun naman talaga ang target ko sa comedy, yung ganung crowd.

“Nakakatuwa kasi nagkaroon ng sariling side story yung character.

“Iba kasi kapag merong kapatid na sinusuportahan yung bunso, yung binuyo.

“Masarap kasama at katrabaho yung four boys,” pagtukoy ni Sef kina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Dorschner.

“Actually, sina Ate Mane [Manilyn Reynes], sina Kuya Keempee [de Leon]… actually lahat, bilib kami kay Barbie [Forteza].

“Kung puyat kami, mas puyat sila.

"At saka nakakatuwa dahil ang ganda ng relationship nila rito.

“Sabi nga namin, bigyan natin ng chance ang sarili natin sa Singapore na makapag-bonding naman tayo as a team outside of work.”

Sa Linggo, June 4, ay pupunta sila sa Singapore para mag-taping ng ilang araw roon.

Dugtong pa niya, “Siyempre, nakakapag-bonding kami dito, pero iba yung sa ibang bansa, sa labas. 

“Pero ano, mag-e-enjoy kami dun. Free day kasi ang first day.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN