Kris Aquino answers fans who want her to return to ABS-CBN: "Ayaw na nila sa akin..."

IMAGE @realkrisaquino on Facebook

Kahit nasa Japan para sa isang bakasyon, nagawa pa ring sumagot ni Kris Aquino sa ilang mga katanungan ng kanyang followers sa Instagram. Sa isang tanong ng fan kung puwede pa ba siyang bumalik sa ABS-CBN, sagot dito ni Kris: "Ayaw na nila sa akin..."


Lagpas isang taon nang hindi napapanood sa isang regular TV show si Kris Aquino.

Ang huli niyang regular show ay Kris TV sa ABS-CBN, na nagtapos nong March 2016 pagkatapos ng halos limang taon nito sa ere.

Huli naman siyang nasilayan sa telebisyon nitong Marso, sa pamamagitan ng two-hour travel special na Trip Ni Kris, na ipinalabas sa GMA Network.

Kaya naman marami sa mga tagahanga ni Kris ang nami-miss na siyang mapanood muli sa telebisyon.

Sa Instagram posts ni Kris ngayong Huwebes, June 1, ilang followers ang naghayag ng kanilang pagka-miss sa TV host-actress.

Awesomely BEAUTIFUL Lobby Flowers @thepeninsulatokyo ????????

A post shared by ???????? Kris Aquino (@krisaquino) on






Request din ng ilan na sana raw ay sa Kapamilya network siya muli mapanood.



Ngunit tila malabo itong mangyari, dahil ayon kay Kris, "ayaw na nila sa kin."

Ito ay bilang pagtukoy sa dati niyang home network.


Hindi naman ito matanggap ng iba pang mga tagahanga ng Queen of All Media.





 

Kasalukuyang nasa Japan si Kris, kasama ang mga anak na sina Joshua Aquino at Bimby Yap, para sa isang bakasyon.

W/ my Giants- waiting for the subway. Headed to our favorite Teppanyaki restaurant for lunch.

A post shared by ???????? Kris Aquino (@krisaquino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN