Bea Binene denies putting Derrick Monasterio in the friendzone; reveals about meeting Inah de Belen

IMAGE Rose Garcia

Bea Binene on Derrick Monasterio: "Ine-enjoy namin ang isa't isa at para sa akin, hindi naman kailangan yun ng label. What's important is kung ano kayo sa isa't isa. Palagi kaming magkasama."

 


Nilinaw ni Bea Binene na hindi niya na-friendzone at hindi naging sila ng ka-love team na si Derrick Monasterio.

"Hindi po, walang pagpi-friendzone…

"Paanong magiging kami, e, hindi nga nanliligaw?

"At saka siguro kasi ngayon, naka-focus kami sa career.  

“Ini-enjoy namin ang isa't isa at, para sa akin, hindi naman kailangan yun ng label.

"What’s important is kung ano kayo sa isa't isa, kung may label ba or wala.

“Ine-enjoy namin ang company ng isa't isa, palagi kaming magkasama.

“Magpapagupit siya, sasamahan ko siya. Ganun,” pahayag ni Bea sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Masyado naman yata silang naging kumportable sa isa't isa at nawawala na ang kilig sa pagitan nila?

Pagkontra ng young actress, “Hindi po disadvantage ang pagiging too comfortable sa isa't isa.

“Better nga po yun, hindi na kailangang mag-pretend.

“You can be yourselves in front of each other kahit na anong gawin niyo."

Ikinatutuwa rin ni Bea Binene na mas marami na ang nagkakagusto sa tambalan nila ni Derrick na DerBea.

Pagkatapos ng weekly series na Tsuperhero ay magkasama sila ulit ngayon sa primetime series na Mulawin vs Ravena.

Aniya, “Yung mga feedback sa amin sa Twitter, yung mga nagpapa-trend, sobrang na-appreciate ko po yun.”

Nakausap ng PEP si Bea sa 77 Limbaga Restaurant, sa Quezon City, noong Martes, May 30.

CIVIL RELATIONS. Talagang hindi raw sa prayoridad ni Bea ang love life ngayon.

Pagkatapos ng breakup nila ni Jake Vargas noon, sinabi ni Bea na hindi pa siya nagkaroon muli ng boyfriend.

Si Jake naman ay may Inah de Belen na.

Magkaibigan na ba sila ulit ni Jake?

"We're civil," pag-amin ni Bea, “nag-guest siya sa Tsuper Hero, nag-guest ako sa Pepito [Manaloto].  

“Kumusta, ganyan, kasi wala kaming chance.  

“Noong nag-Pepito ako, dalawang eksena lang, tuhog pa.

“Noong nag-Tsuper Hero siya, lima eksena niya, kailangan niyang umalis ng lunch, so nagmamadali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag nagkikita kami, hi, hello, ganun."

Nagkakilala na rin daw sila ni Inah.

"Okey naman po kami," nakangiti niyang sabi.

“Nagkita na po kami, twice, sa photo shoot ng Folio.

“Nagpakilala po ako, ipinakilala ako ng handler niya."

Magda-dalawang taon na silang break ni Jake kaya napakatagal na rin niyang naka-move on.

"Nagugulat nga ako kapag may kausap akong fans.

"Ang tagal na. Ang bilis ng panahon."

Higit sa lahat, ngayon daw niya nae-enjoy ang pagiging single.

Pahayag ni Bea, ”Ngayon ko naa-appreciate ang pagiging single.  

“Kasi ngayon, parang ang mga kaibigan ko, may mga dyowa.  

“Hindi sila makalabas, e, ako, wala akong pagpapaalamanan, walang magseselos."

Ano na ang hinahanap niya ngayon sa isang relasyon?

"Gusto ko po ng marespeto," sagot ng 19-year-old actress.

At mabilis niyang pagtatama, "Wala po akong sinasabing hindi marespeto si Jake.

“Ganun din naman si Jake… Ma-adventurous din siya, gusto niyang mag-travel.  

“Gusto ko na passionate din siya sa mga ginagawa niya sa buhay.

"Yung mamahalin din ang family ko, yung okey rin ang family niya sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN