Is Dion Ignacio ready to settle down?

Former Starstruck alumnus Dion Ignacio says he's already thinking of settling down: "Hindi na tayo bata. Kung mag-asawa or magkaroon man ako ng anak, hindi na maaapektuhan ang career ko. Sobra-sobra na ako sa tamang edad para mag-asawa!" 


Iniisip na rin ng Kapuso actor na si Dion Ignacio kung handa na ba siyang magkaroon ng sariling pamilya.

Sa naganap na press launch ng GMA-7 teleserye na Mulawin Vs. Ravena noong nakaraang May 15, sa Hive Hotel, Quezon City, inudyok ng ilang entertainment writers si Dion na mag-asawa na para magkaroon na rin ito ng anak.

Halos lahat kasi ng ka-batch niya sa Starstruck 1 ay may sariling pamilya na.

“Puwede na nga siguro. Kasi 31 years old na ako.

“Hindi na tayo bata.

"Kung mag-asawa or magkaroon man ako ng anak, hindi na maaapektuhan ang career ko.

"Sobra-sobra na ako sa tamang edad para mag-asawa!” tawa pa niya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ENVIOUS OF MARRIED FRIENDS. Inamin ni Dion na naiinggit siya sa mga ka-batch niya sa Starstruck tulad nina Mark Herras, Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Cristine Reyes, Anton dela Paz, at Alvin Aragon dahil may kanya-kanya na silang mga anak.

“Iilan na lang kaming single at wala pang sariling pamilya tulad ni Sheena Halili, Christian Esteban, Rainier Castillo.

"Si Jade Lopez naman, ikakasal na siya.

“Sa totoo lang, nakakainggit din.

"Kasi kapag nagkakasama-sama kami, mga anak ang napag-uusapan nila.

“Siyempre, kaming mga single pa at walang anak, hindi kami maka-relate sa mga usapan nila.

"Nakaka-out of place minsan.

“Minsan iniisip ko kung nagkaroon ako ng anak noong nasa edad ako na 22 or 23, siguro naisasama ko na siya sa mga tapings ko.

“Kaso, maingat ako talaga. Takot akong makabuntis noon, e,” tawa pa niya ulit.

NOT YET READY. Breadwinner si Dion sa kanyang pamilya kaya kahit ang magkaroon ng seryosong relasyon noon ay hindi niya magawa.

Pero ngayong nasa maayos na ang pamilya niya at may negosyo na siyang pinapatakbo, sarili naman niya ang kanyang ihahanda para sa pagkakaroon ng sariling pamilya.

“Pag-iisipan ko pa nang mabuti ang magkaroon ng sariling pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko kasi, hindi pa ako masyadong ready.

"Gusto ko yung emotionally and financially, kaya ko na.

“Ayokong pasukin ang isang bagay na hindi ako masyadong handa,” diin pa niya.

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. May non-showbiz girlfriend si Dion ngayon, at noong nakaraang October 2016 lang daw sila nagkaroon ng pormal na relasyon.

Pagklaro niya, “Hindi ko pa siya girlfriend, matagal ko na siyang kilala.

"May eight years na kaming magkaibigan.

“Siguro para kami sa isa’t isa kaya nagkaroon kami ng relasyon.

“'Tsaka magkasosyo kami sa isang business. Kaya siguro pinagtagpo kami.

“Wala pa naman kami sa usapang kasal-kasal.

"Very new pa ang relationship namin. Bahala na si Lord kung kami nga ang magkakatuluyan.”

BUSY KAPUSO. Thankful si Dion sa GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng project, kahit na sunud-sunod na kontrabida roles ang ginagawa niya.

“Every year meron akong isa or dalawang teleserye. Hindi ako nababankante.

“Kaya okey lang kahit kontrabida basta may trabaho tayo.

“Yung last teleserye ko was Magkaibang Mundo. Nagtapos yun noong September last year pa.

"'Tapos, pinaghanda na ako for Mulawin Vs. Ravena kunsaan ako ang gumaganap bilang si Siklab na isang Ravena.

“Magkakaroon kami ng confrontation ni Gabriel [played by Dennis Trillo] kasi gusto kong maging hari ako ng kaharian ng mga Ravena na Halconia.

“Pero binigyan ako ng sarili kong love story dito with Lovi Poe who plays Magindara na anak ni Sandawa [played by Regine Velasquez-Alcasid].

“Kaya magiging magulo ang lahat para kay Siklab kasi mapapagitna siya ng pagiging sakim niya sa kapangyarihan at sa pagmamahal niya kay Magindara,” kuwento ni Dion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN