Kris Bernal happy for expectant dad Aljur Abrenica

IMAGE Noel Orsal

Kris Bernal says she's genuinely happy for her former loveteam partner Aljur Abrenica, who's now expecting his first baby with Kylie Padilla: "Masaya siya. Parang may bagong challenge sa buhay niya and may mas mabigat na responsibilities sa kanya. And hindi siya nagsisi kasi sabi niya sa akin talagang mahal na mahal niya si Kylie."


Kinumusta namin kay Kris Bernal ang dati niyang ka-loveteam na si Aljur Abrenica, na isa nang expectant dad.

Ipinagbubuntis ngayon ni Kylie Padilla ang una nilang anak ni Aljur.

Sabi niya, “Nakausap ko siya e, siguro mga a month ago.

“Masaya siya. Parang may bagong challenge sa buhay niya and may mas mabigat na responsibilities sa kanya.

“And hindi siya nagsisi kasi sabi niya sa akin talagang mahal na mahal niya si Kylie.

“So talagang kung gagawa rin siya ng pamilya, at gusto niyang makasama forever, sinabi niya it’s really Kylie naman talaga.”

Hindi ba siya napaiyak habang kausap si Aljur?

‘Hindi ako umiyak,” bulalas ni Kris.

“Wala… ano ba yun ?

“Ever since naman, wala naman kaming in-admit ni AJ, ni Aljur na naging kami or something romantic.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa ipinatawag na pocket presscon ng GMA-7 para sa Kapuso actress noong May 11 sa Limbaga 77 Café Restaurant sa QC.

STILL SINGLE. Loveless si Kris.

“May mga nanliligaw naman,” ang natatawang pag-amin ng Kapuso actress.

“Pero kasi, ewan ko, may standards na kasi ako, e.

“Ang tanda ko na, e.

“So parang hindi na ako dun sa mga short-term relationships na alam mo kunwari six months lang, one year, ayoko na ng ganun.

“So pag may na-meet ako at alam kong... yun nga, nanliligaw na at alam kong sandali lang, parang… hindi ko na ine-entertain.

Wala raw taga-showbiz na nanliligaw kay Kris ngayon.

Aniya, “Pag showbiz wala na, hindi ko na ine-entertain talaga pag showbiz.

“Feeling ko kasi pag showbiz, parang pareho kaming nagre-rely lang din sa pag-artista, e.

"So pag nawala yung career niya, nawala yung career ko, anong pagkakapitan namin?

“E, lalo na ako hindi rin ako gumraduate ng college.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN