Will Rochelle Pangilinan-Arthur Solinap wedding push through on August 8?

IMAGE Noel Orsal

Although they haven't actually confirmed the final date of their wedding, friends of longtime couple Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap speculate that they will tie the knot on August 8 this year, which is also the date of their 9th anniversary.


Puspusan na ang paghahanda ng magkasintahang Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan para sa nalalapit nilang kasal.

Ayaw pa muna nilang ibigay ang eksaktong date ng kasal, dahil hinihintay lang daw nila ang payo ng kanilang manager na si Perry Lansigan kung kailan nila ito ia-announce.

Pero sa mga nakaraang panayam sa kanila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nabanggit nilang gusto nilang isabay ito sa kanilang anniversary.

Sa August 8 ay iseselebra nila ang kanilang 9th anniversary at posibleng ito na rin ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

LUCKY DATE? Naniniwala si Arthur na masuwerte sa kanila ang numerong 8 dahil naging sila raw ni Rochelle nung August 8, 2008.

Sabi ni Arthur, kung sa araw na ito sila magpapakasal, may number 8 pa rin daw.

“Kasi, August 8, 2008, so 888.

“Tapos, ngayon naman, August 8 2017. Di ba 1 plus 7, 8 pa rin?” napapangiting pahayag ni Arthur.

Halos plantsado na raw ang buong detalye ng wedding.

Christian wedding daw ito na gagawin sa isang garden sa Tagaytay.

“Tagaytay talaga ang pinaka-memorable place sa amin pati sa family namin,” pakli ni Arthur.

SPONSORS. Ilan sa mga nabanggit nilang tatayong ninong at ninang ay sina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon dahil sa Eat Bulaga naman daw nagsimula si Rochelle.

Ninong din daw si Jose Manalo dahil siya pala ang naka-discover kay Rochelle, at ang boss ng TAPE na si Mr. Tony Tuviera.

Bukod sa ilang malapit na miyembro ng pamilya ni Arthur, kinuha ng aktor sina Ronnie Henares at Direk Bert de Leon na kasama niya sa Pepito Manaloto.

Sa mga ninang naman ay kinuha ni Rochelle ang dating manager niyang si Joy Cancio, at mga nakatrabaho niyang sina Direk Gina Alajar at Irma Adlawan.

Bahagi rin daw ng entourage sina Dingdong Dantes, Michael V at John Feir.

STRESSED OVER WEDDING PREPS. Nakaka-stress daw ang preparation ng buong detalye pero gusto na lang daw nilang i-enjoy ito ayon kay Arthur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Stressed siyempre.

“Pero yung stress, yung natataranta sa time.

“Pero ang usapan namin, i-enjoy namin yung bawat step ng preparation.

“Mahirap man, pero gusto namin i-enjoy na lang,” pahayag ni Arthur.

Pahayag naman ni Rochelle, “Maraming iniisip, Halu-halo. Excited.

“Medyo maraming mga tanong sa isip na minsan sinasabi ko sa kanya kung kaya ba natin.

“'Hindi, kaya natin 'yan,' sabi niya.”

POST-WEDDING PLANS. Ayon kay Arthur, isang araw lang daw itong kasal, kaya ang mas pinaghahandaan daw nila ay ang mga sumunod na araw pagkatapos ng kasal.

May bahay na silang sarili nila at gusto raw nilang magka-baby na agad.

“Gusto namin mag-baby agad. Naka-set naman kami.

“Gusto ko rin family agad. Gusto pagdating ng Christmas buntis na siya, di ba?” tugon ni Arthur.

Ang gusto raw niya ay maraming anak, pero dalawa lang daw sana ang type ni Rochelle.

Willing daw ang dating Sex Bomb dancer na tumigil pansamantala sa pag-aartista para maka-focus sa magiging pamilya nila ni Arthur, pero hindi naman daw siya pagbabawalan ng aktor kung gusto nitong
ipagpatuloy ang trabaho sa showbiz.

Ani Rochelle, “Tinatanong ko naman siya kung hindi na ba ako magtrabaho. Sabi niya okay lang naman.

“Tinanong ko siya kung okay lang ba na magtrabaho rin ako.

“Sabi niya, okay lang kasi kawawa ka naman kung dito ka lang sa bahay.

“Lumaki ako sa field natin na maingay, magulo. Baka hindi ko naman kayanin na mag-stay ako sa bahay.”

Dagdag naman ni Arthur, “Life na niya ang showbiz, e.

“Ayaw naman daw niya naka-stay sa bahay, pero mababawasan na siguro.

“More time sa family. Ako yung mag-double time sa work. Siya medyo relax na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN