Lolit Solis stands by IG post about Alden Richards's solo show replacing Dear Uge

IMAGE @akosilolitsolis on Instagram

Nanindigan ang beteranang manunulat na si Lolit Solis na hindi niya buburahin ang kanyang Instagram post tungkol sa bagong show ni Alden Richards na diumano'y papalit sa Dear Uge ni Eugene Domingo.


Pinanindigan ng beteranang entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis ang kanyang Instagram post noong Huwebes, June 1, tungkol sa bagong show na gagawin si Alden Richards sa GMA Network.

Ang show raw na ito ang papalit sa timeslot na iiwanan ng comedy anthology na Dear Uge ni Eugene Domingo.

Sabi pa ni Lolit, gagawa raw ng pelikula si Alden kasama ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi muna makakagawa ng teleserye ang Pambansang Bae.

Pero ibig ding sabihin nito, magiging dalawa na ang shows ni Alden tuwing Linggo dahil napapanood din siya sa Sunday PinaSaya.

Sabi ni Lolit sa kanyang post: “Si Alden papalit sa iiwanan slot ng Dear Uge at dahil yata gagawa sila ng movie ni Maine kaya di muna siya full load sa isang serye. at least pag sunday twice n'yo siya mapapanood at hintayin din project movie nila ni Maine. #instatalk #lolitkulit.”

Sa kanyang kolum sa Pilipino Star Ngayon noon ding araw na yun, nagbigay ng iba pang detalye si Lolit tungkol sa bagong proyekto ni Alden.

Aniya, “Si Alden Richards ang napipisil para maging host ng Text Serye, ang coming soon na Sunday television show ng GMA 7."

Inulit din ng dating showbiz talk show host na ang show ni Alden ang papalit sa Dear Uge.

Kaugnay nito, tinawagan daw si Lolit ng isang staff ng Kapuso network.

Pinakiusapan daw siya nitong burahin ang kanyang post dahil hindi raw totoo ang kanyang isinulat.

Pero pinalagan ito ng beteranang talent manager at manunulat.

Sabi pa niya sa kanyang Instagram post noong Sabado, June 2: “Siyempre ang request i delete ko. di ba ayoko delete. clear out puwede pero ayoko i delete iyon nasulat ko na.

"so paliwanag ng 7 wala daw iyon sinulat ko sunday show. may mga balak sila for Alden pero nasa drawing board pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Takot siguro sa reaction na baka ma over exposed ang idol nila but for sure lahat ng puwedeng gawin ng 7 for Alden bilang isa sa top rate star ng station aalagaan at gagawin nila.”

Ayon naman sa isang hiwalay na ulat, reliable ang source ni Lolit kaya hindi niya buburahin ang kanyang IG post.

Hiningan na namin ng pahayag ang GMA Network tungkol dito, ngunit wala pa kaming nakukuhang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN