Loisa Andalio denies being jealous of Julia Barretto's success

IMAGE Noel Orsal

"Masaya ako na may masayang nangyayari sa kanila, sa career nila," says Loisa Andalio about former onscreen partner Joshua Garcia and his current loveteam partner Julia Barretto; and Ronnie Alonte, who is currently being linked to her.


Itinanggi ni Loisa Andalio na umiyak siya nang magkahiwalay sila ng career path ng dati niyang ka-love team na si Joshua Garcia.

“Wala po akong ganung karanasan, yung pag-iyak-iyak po.

“Kasi, kami po ni Joshua, magkaibigan po talaga kami simula PBB [Pinoy Big Brother] po,” sabi ni Loisa sa panayam ng entertainment reporters sa press conference ng 4 of A Kind concert, kahapon, June 6.

Ang 4 of A Kind ay ang concert nina Loisa, Maris Racal, Sue Ramirez, at Kristel Fulgar. Gaganapin ito sa Music Museum sa July 8.

Loisa Andalio on breakup of her love team partnership with Joshua Garcia:

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Nilinaw rin ni Loisa na hindi siya nakakaramdam ng anumang selos kay Julia Barretto, na kasalukuyang nali-link kay Joshua.

Ang isa pang ka-love team ni Julia na Ronnie Alonte ay na nali-link naman ngayon kay Loisa.

Diin ni Loisa, “Hindi po ako nagseselos sa kanya.

"Sa totoo lang po, happy rin ako sa nangyayari sa career niya [Julia].

“Wala po akong ganung feeling sa sarili ko, na selos o galit.

"Wala po yun, as in happy ako sa lahat."

Sa kabuuan, masaya raw si Loisa para sa tatlong kapwa niya Kapamilya stars na naging bida sa pelikulang Vince & Kath & James—sina Julia, Joshua, at Ronnie.

“Ang masasabi ko sa kanilang tatlo, sobrang happy ako.

“Siyempre, lahat naman ng mga supporters nila, siguradong happy sila sa mga ganap nilang tatlo.

“Masaya ako na may masayang nangyayari sa kanila, sa career nila,” pagtatapos ng My Dear Heart actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN