Maris Racal reacts to Tommy Esguerra's crush on her

IMAGE Noel Orsal

"Hindi ko po siya crush," says Maris Racal about Tommy Esguerra, who recently admitted that he has a crush on her.


Ibinisto ni Sue Ramirez na crush ni Tommy Esguerra ang BFF5 co-member niyang si Maris Racal.

Ayon kay Sue, naganap ang pag-amin ng dating Pinoy Big Brother housemate sa ASAP Chillout noong Linggo, June 4.

Kuwento ni Sue, “Si Tommy po, umamin sa ASAP Chillout na crush niya po si Maris.

“At ang birthday wish sa kanya ng Coverboys ay sana makausap niya ang crush niya.

“So, piniga namin kung sino ba ang crush niya.

"Dun nga po, inamin niya nga po na si Maris daw."

Ano naman ang masasabi ni Maris tungkol dito?

“Hindi ko po siya crush. Ano po siya, kuya,” sagot niya.

Hindi rin niya tuwirang masagot kung may pag-asa si Tommy kung sakaling ligawan siya nito.

Sabi ni Maris, “Wala, career po ako ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sina Maris at Sue sa presscon ng 4 of A Kind concert, nitong Martes, June 7.

Kasama rin nilang humarap sa press sina Loisa Andalio at Kristel Fulgar.

TOMIHO LOVETEAM. Tila hindi naman nababahala si Maris sa maaaring maging reaksiyon ng mga tagahanga ng dating magkasintahang sina Tommy at Miho Nishida, na mas kilala bilang ToMiho.

Si Miho ang itinanghal na Big Winner sa Pinoy Big Brother Lucky 7, na kinabilangan din ni Tommy.

Sa hiwalay na panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Maris na maayos ang relasyon nila ni Miho.

“Si Ate Miho, palagi kaming nagkikita. Actually, pareho kami ng make-up artist, so okay na okay kami,” banggit niya.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Sina Maris at Miho ay parehong bahagi ng all-female group na GirlTrends.

Naghiwalay sina Tommy at Miho nitong Abril lamang.


Stories We Are Tracking

Tommy admits breakup with Miho was
Tommy admits breakup with Miho was "one-sided"
Tommy Esguerra airs side on breakup with Miho Nishida
Tommy Esguerra airs side on breakup with Miho Nishida

DID SHE CRY OVER MCCOY? Samantala, nilinaw naman ni Maris na hindi siya umiyak dahil sa paghihiwalay nila ng dati niyang onscreen partner na si McCoy de Leon.

“Wala pong ganyang nangyari,” nakangiting sabi ni Maris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago pumasok bilang housemate sa Pinoy Big Brother Lucky 7 si McCoy, madalas siyang naipapareha kay Maris, na naging 2nd Big Placer naman sa Pinoy Big Brother All In.

Pag-alala pa ni Maris, “Actually, kami ni McCoy, yung last project namin before siya pumasok ng PBB was We Will Survive.

“Tapos napag-usapan naman namin nang maayos na, 'O, hayan, magpi-PBB ka na.'

“Wala naman kaming nilu-look forward na projects in the future, or work together.”

Si McCoy ay ipinapareha na ngayon kay Elisse Joson.

Diin pa ni Maris, “Hindi po talaga ako umiyak na ganyan-ganyan, na iniwan.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN