Aicelle Santos praying and hoping for Mark Zambrano to be the last man in her life

IMAGE Aicelle Santos Instagram

Aicelle Santos on wedding talks with boyfriend Mark Zambrano: "Kung tutuusin, nasa tamang edad na kaming dalawa. I'm 32 and Mark is 39... Pero siyempre, pinaplano nang maayos lahat 'yan. But we always pray and hope na dun din hahantong ang lahat."


Naging tahimik lang ang celebration ng first anniversary bilang magkasintahan ng Kapuso singer na si Aicelle Santos at ng GMA News reporter na si Mark Zambrano.

Nag-out of town trip daw silang dalawa.

Kuwento ni Aicelle, “Ganun naman kami ni Mark.

“Gusto lang namin yung tahimik at yung may time kaming magkuwentuhan.

“Pareho kasi kaming naging busy before our anniversary, kaya timing naman na naging libre kami sa trabaho kaya nakapag-out of town kami.

“Happy ang feeling kasi kasama mo ang taong mahal mo, di ba?”

Tumanggi si Aicelle na sabihin kung ano ang iniregalo sa kanya ni Mark.

Pero yung regalo daw sa kanya ni Mark ay isang bagay na kailangan na kailangan niya.

Ayon sa Kapuso singer, “Alam kasi ni Mark na madalas masakit ang katawan ko dahil sa pagod, kaya niregaluhan niya ako ng massager.

“Pang-athlete yung massager na yun. Yung idinidikit sa katawan tapos namamasahe ka.

“Nakakatawa man ang gift niya, pero natuwa ako, kasi yun ang kailangan ko, e!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aicelle sa press launch ng afternoon drama series na na Impostora, na ginanap sa GMA Network Center, noong June 5.

HER FOREVER? Nang mag-renew ng kontrata si Aicelle sa GMA-7 kamakailan, may nagtanong kung si Mark na ba ang matatawag niyang “forever” sa buhay niya.

“Sana kami na nga,” sambit niya.

“Lahat naman tayo, di ba, naghahanap ng tao na para sa atin talaga?

“Ako, pinagdarasal ko itong relasyon naming dalawa.

“Sinabi ko naman sa kanya noon, let’s make this relationship work dahil mas maganda na siya na ang huling lalaking mamahalin ko.”

Napag-uusapan na ba nila ang magpakasal?

Pag-amin ni Aicelle, “Opo naman. Napag-uusapan namin ‘yan.

“Kung tutuusin, nasa tamang edad na kaming dalawa. I’m 32 and Mark is 39.

“Hindi nga ba, yung lolo na ko na ang nagsabi na sobra-sobra na ako sa tamang edad para mag-asawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, pinaplano nang maayos lahat ‘yan.

“But we always pray and hope na dun din hahantong ang lahat.”

This boy had a long day. So here's a hearty treat for the most hardworking newsman.???? Proud of you mahal ko.????

A post shared by Aicelle Santos (@aicellesantos) on

PALAGING IKAW. Kaya tamang-tama raw ang paglabas ng music video ng single ni Aicelle na “Palaging Ikaw,” kung saan kasama niya si Mark.

Galing ito sa bagong album ni Aicelle na Liwanag.

Kuwento ng singer, “Yung song na ‘Palaging Ikaw,’ siguro istorya yun ng pag-ibig ko ngayon.

“Ang sumulat nito ay si Simon Peter Tan.

“Na-produce na itong kantang ito bago pa dumating si Mark sa buhay ko.

“So, sabi ko, napapanahon, sakto yung kanta.

“Parang I was meant to sing it dahil dumating ang isang taong magmamahal sa akin.”

Bukod sa pagkanta, lalabas naman ngayon sa isang teleserye si Aicelle bilang best friend ni Kris Bernal sa Impostora.

“Very thankful ako dahil binigyan ulit ako ng pagkakataon na umarte sa isang teleserye.

“Yung unang ginawa ko na Buena Familia, kontrabida ako doon, e.

“Dito, mabait at lagi kong pinagtatanggol si Kris sa mga nang-aapi sa kanya.

“Habang wala pang musical show ang GMA-7, I’m blessed to be given an acting job na mate-test ulit ang kakayanan ko sa pag-arte,” pahayag ni Aicelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN