Benjamin Alves on Julie Anne San Jose's bikini photos: "Speechless."

IMAGE Noel Orsal / @myjaps on Instagram

Hindi raw big deal kay Benjamin Alves ang pagsusuot ng rumored girlfriend na si Julie Anne San Jose ng sexy swimsuit. Nanghihinayang naman siyang hindi nakasama sa bakasyon ni Julie Anne sa Cebu dahil gusto raw sana niyang siya ang kumuha ng sexy pictures ng kanyang itinuturing na special someone. 


Pinanghihinayangan ni Benjamin Alves na hindi siya nakasama sa rumored girlfriend niyang si Julie Anne San Jose sa beach getaway nito sa Cebu City noong nakaraang linggo.

Hindi raw kasi niya personal na nasaksihan ang pagsusuot ng swimsuit ni Julie Anne.

Lez go peculiar baby

A post shared by Julie Anne San Jose (@myjaps) on

Waves don't die baby, let me crash here for a moment.

A post shared by Julie Anne San Jose (@myjaps) on

“Speechless.”

Ito raw ang naging reaksiyon ni Benjamin nang makita ang mga seksing larawan ng singer-actress sa Instagram.

Dagdag pa ng Kapuso actor, “It's summer, last hurrah niya for summer.

"I wish I was there also at the beach. It would be nice if I was the one taking the pictures.

“I wish I was there to spend time with her at the beach because we’ve never done that yet.”

In one word, “sexy” ang paglalarawan ni Benjamin sa pangangatawan ngayon ni Julie Anne.

For everything there is a season, and a time for every matter under heaven.

A post shared by Julie Anne San Jose (@myjaps) on

Ngunit paglilinaw niya, “That sexy means… maganda yung picture, e, she’s, you know, more respected woman, she’s mature.

"So, it’s not sexy naman na parang there’s lust in it.

“I mean, mahirap magdala ng ganung ano if you’re not confident in yourself and you don’t have that class in yourself, na hindi ka nagmukhang malaswa."

Big deal ba sa kanya ang ganitong mga picture?

Sagot ng Kapuso actor, “No. Not at all.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa presscon ng bago niyang show sa GMA Network, ang I Heart Davao, na ginanap nitong Huwebes, June 8.

Ang iba pang bida sa upcoming primetime show na ito ng GMA-7 ay ang real-life sweethearts na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.


I HEART DAVAO. Ang I Heart Davao ay isang romantic-comedy series na sesentro sa buhay ng isang heart-transplant recipient na si Hope ( Carla).

Uuwi siya ng Davao mula sa Manila upang subukang sagipin ang chocolate business ng mga magulang.

Dito ay makilala niya si Ponce (Tom), anak ng isang pamilyang nasa kaparehong negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eeksena naman ang kababata ni Hope na si Paul (Benjamin) sa namumuong pag-iibigan nina Hope at Ponce.

Bukod sa kilig na love triangle set-up ng istorya, ipapakita rin ng serye ang magagandang lugar at tanawin sa Davao.

Mapapanood sa GMA Telebabad ang I Heart Davao simula sa June 26, sa timeslot na babakantehin ng Meant To Be.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN