Did Loisa Andalio unfollow Sue Ramirez on Instagram?

IMAGE Nerisa Almo

Sue Ramirez and Loisa Andalio assure that there's no conflict between them. The two are being intrigued because of Ronnie Alonte, who is currently being linked to Loisa and a former loveteam partner of Sue.


Itinanggi ni Loisa Andalio na nag-unfollow siya sa Instagram account ng kapwa niya Star Magic talent na si Sue Ramirez.

“Parang hindi naman yata,” sabi ni Loisa nang matanong tungkol dito sa press conference ng upcoming concert nilang 4 of A Kind, na gaganapin sa Music Museum sa July 8.

Sabay tanong niya kay Sue, “In-unfollow ba kita?”

Natatawang sagot naman ni Sue kay Loisa, “Ewan ko sa 'yo!”

Kasunod nito, naging maligoy si Loisa sa pagpapaliwanag ng kanyang isasagot pa tungkol sa isyu.

“Hindi ko alam kasi kung ano man yun... ang hirap naman nito!

“Baka ano lang... wala naman yun.

“Thank you for that wonderful question,” palusot na lang niya.

Naiintriga ngayon ang dalawa dahil kay Ronnie Alonte, na dating ka-love team ni Sue at kasalukuyang nali-link kay Loisa.

Ngunit nilinaw ng dalawang young stars na walang isyu sa pagitan nila.

Pahayag ni Sue, “Actually, kami naman ni Ronnie, wala naman talagang namagitan sa aming dalawa at all.

“We're good friends.

“Yun lang, gusto lang po naming magkatrabaho talaga, kasi sobrang swak yung ugali namin and everything.

“I don't think na kailangan siyang maging balakid sa concert, or sa amin ni Loisa, kasi wala po talaga.”

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles) on

Sinang-ayunan naman ito ni Loisa.

Aniya, “Sa akin po, wala din naman po sa akin yun.

“Dati po kasi magka-love team sila, naiintindihan ko naman po yun.

“Wala naman po akong problema sa work.

“Wala naman pong problema sa amin ni Sue.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


Samantala, dahil nali-link siya ngayon kay Ronnie, natanong si Loisa kung kumusta na ang kanilang relasyon.

Sagot ng My Dear Heart actress, “Okay naman po. Talagang mabuting magkaibigan kami ngayon.

“Kasi, dati hindi naman din kami ganun ka-close.

"Sa It's Showtime lang din naman kami nag-start na magkasama po."

Si Loisa ay bahagi ng all-female group na GirlTrends, samantalang si Ronnie ay kabilang sa all-male dance group na Hashtags.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang parehong grupo ay madalas na nagpe-perform sa noontime show na It's Showtime.

Idiniin ni Loisa na magkaibigan lang sila ni Ronnie, na kasalukuyang kapareha ni Julia Barretto sa A Love to Last.

Sabi niya, “Talagang mabuting magkaibigan kami ni Ronnie ngayon.

“Kumbaga, siya po talaga yung talagang nasasabihan ko rin kapag may problema po, yun lang po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN