Elizabeth Oropesa criticizes President Duterte on rape jokes; softens on Jim Paredes

IMAGE File photo

Elizabeth Oropesa is an avid supporter of President Duterte, but says she's not blind to his misdoing. "May mga bagay din siyang hindi ko gusto, katulad ng pagbibiro tungkol sa kababaihan. Hindi ako nag-a-agree doon, hindi ko type yun. Oo, that's him, pero very unbecoming of the President," she declares.


Wala raw galit ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa sa mga kritiko o bashers ni Presidente Rodrigo Duterte.

Pero nilinaw rin niyang pro-Duterte man siya, hindi siya magbubulag-bulagan kung may nakikita siyang hindi tama.

“Wala, hindi ako madaling magalit, ang sama-sama ko kasing magalit kaya pinipigilan ko, e.

“Marami lang pagkukulang ngayon, sa panahon ngayon.

“Let’s put it this way, hindi naman lahat ng ginagawa ng Presidente, gusto ko.

“May mga bagay din siyang hindi ko gusto, katulad ng pagbibiro tungkol sa kababaihan.

“Hindi ako nag-a-agree doon, hindi ko type yun; but that’s him.”

Sabi pa niya tungkol sa rape jokes ng Pangulo, “Ayoko yun.

“Oo, that’s him, pero very unbecoming of the President.”

Kung makakausap niya si Pangulong Duterte, ano ang sasabihin niya dito tungkol sa rape jokes nito?

“Sasabihin ko sa kanya, ‘Tatay, huwag ‘yan! Hindi maganda.’

“Nyonget [pangit]! Pagka humuhulagpos yata yung kanyang… yung style niya, nakakalimot din.

“Siyempre, may edad na!” at tumawa si Elizabeth.

Dagdag niya, “But, you know, I cannot change him anymore at this stage.

“As long as he loves us, he loves me, he loves the country and he’s willing to die for us…

“I will still wholeheartedly be backing him up, loving him and supporting him.

“Forever 'yan, hanggang buhay ako na nandiyan siya na nagseserbisyo.”

JIM PAREDES. Humupa na rin daw ang galit ni Elizabeth sa veteran singer na Jim Paredes, na kilalang kritiko ni Pangulong Duterte.
 
Saad ng aktres, “Hindi na, wala na… Ang dali kong magpatawad, e, pinatawad ko na.

“Wala naman na siyang ginawang… he’s never done anything similar to what he did before.

“So, there’s nothing for me to be angry about anymore, so I’m fine.”

Nitong nakaraang Edsa Revolution anniversary ay naging viral ang video post ni Jim na bumabatikos sa ilang mga kabataang supporters ng Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos iyon ay nag-post ng video si Elizabeth sa kanyang Facebook account, kung saan naghayag siya ng galit at hindi pagsang-ayon sa ginawa ng dating miyembro ng APO Hiking Society.

Nitong Lunes, June 5, sa presscon ng Impostora sa GMA Network Center, malumanay na nagpaliwanag ang aktres.

Sabi niya, “He has the right to do that, ever since naman, kasi he’s on the other side.

“Freedom of speech yan, e, may karapatan siya dun.

“Ang ikinagalit ko lang naman sa kanya noon yung ginawa niya dun sa bata, the way he acted…

“The way he was talking, because he’s a senior citizen like me.

“And, you know, he’s a very well-educated man and I did not expect that, isa siya sa favorite ko dati, e.

“Iyon lang naman ang reason, but him talking about it, saying things against the President, that’s his right.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN