Judy Ann Santos dismisses bashers of Sharon Cuneta

IMAGE Noel Orsal

Judy Ann Santos on bashers of friend Sharon Cuneta: "Hindi mo naman maiiwasan na may mga taong ganyan, sampu-sampera ang mga taong nega sa buhay. E, ganun sila e. Hindi ako magwa-waste ng time to explain my side, yung side ni Ate Sharon."


Ipinagtanggol ni Judy Ann Santos ang matalik na kaibigang si Sharon Cuneta sa mga negatibong komento na natatanggap ng Megastar dahil sa paglalahad sa Facebook ng pinagdaraanan nito sa buhay.

Pahayag ni Judy Ann sa bashers ni Sharon, “Hindi mo naman maiiwasan na may mga taong ganyan, sampu-sampera ang mga taong nega sa buhay.

“E, ganun sila e. Hindi ako magwa-waste ng time to explain my side, yung side ni Ate Sharon.

"Kasi may kanya-kanyang pinagdadaanan ang bawat isang tao.

“Kung ano ang pinagdadaanan nila, hindi naman namin sila ine-nega.

“Pero dahil magnified ang buhay namin bilang isang artista, sa amin sila magdedepende ng kanegahan nila.

“Pero hindi ko ibibigay sa kanila yun.”


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta travels solo abroad to put herself together
Sharon Cuneta travels solo abroad to put herself together
Sharon Cuneta reveals real reason why she left for U.S.
Sharon Cuneta reveals real reason why she left for U.S.
Sharon Cuneta clarifies financial status
Sharon Cuneta clarifies financial status
Netizens ask: Is Sharon and Kiko's marriage on the rocks?
Netizens ask: Is Sharon and Kiko's marriage on the rocks?

Ngunit sa lahat ng ito, nananatiling buo ang suporta ni Judy Ann sa kaibigan.

Saad niya, “Lagi naman akong shoulder to cry on, to laugh with, lagi naman akong best supporting actress kay Ate.

“Ano lang naman ako, isa akong payaso.”

Nagkukuwento ba sa kanya si Sharon tungkol sa mga pinagdadaanan nito?

Ayon kay Judy Ann, “Hindi naman heart to heart, siguro elbow to elbow.

“Hinahayaan ko lang siya magkuwento.

"Hindi ko siya pinipilit na, ‘Ate, ano ba ang problema mo? Pag-usapan natin…’ Hindi.

“Kumustahin ko lang siya, padala ako ng food, padala ako ng something.”

Dagdag pa ng Kapamilya actress-TV host, “May mga pagkakataon talaga na paggising mo minsan, ang dami mo nang binibitbit.

“Kailangan mo lang ng isa, dalawa, tatlong supporters na you would actually feel na nandiyan yung love nila, nandiyan yung care nila sa iyo, at the time na feeling mo walang pakialam ang mundo sa iyo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Judy Ann sa launch ng Sun Shorts 2 ng Sun Life, na ginanap sa Shangri-La Makati noong Miyerkules, June 7.

HAPPY FAMILY. Sa kabilang banda, marami ang nakakapansin ng madalas na pagpu-post ni Judy Ann sa Instagram ng pictures nila ng kanyang pamilya at mga solo nilang lakad ng asawang si Ryan Agoncillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kitang-kita raw sa aktres ang contentment at happiness bilang isang ina at asawa.

Go kuya!!!! Full force for kuya's first football tournament!! #storiesforlucho

A post shared by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

Yaaayyyyy!!! Daddy made it!!!! ??????

A post shared by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

At lastttttt!!!!! After 3 plane rides, 2 bus rides and 1 car ride.. nakarating na kami!!! CHEERS!!

A post shared by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

Pahayag ni Judy Ann tungkol dito, “Hindi naman maraming nangyayari, nagkakataon lang na yun ang isini-share.

“Pero yun lang kami, napaka-spontaneous kasi naming dalawa.

“Kapag may nagustuhan kaming gawin, yun ang gagawin namin, especially nito lang kami nakapag-travel uli na kaming dalawa lang.

“Before that, it was five years ago, so talagang in-enjoy namin yung moment na kaming dalawa lang.

“Nagkataon na nung last time kami nag-travel, wala pang mga pa-GoPro, wala pang pa-Instagram.

“Ngayong may pa-GoPro, may pa-Instagram, sasali kami at masaya.

“Makikita ng mga anak ninyo, mababalikan ninyo.

“Ang sarap balikan habang wala kang ginagawa, scan-scan mo lang yung feed mo.

“Nakaka-bagets ng feeling na pa-scooter, ang bagets.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN