Anne Curtis visits late fan's wake

IMAGE Christian Jed Alegre on Facebook

Anne Curtis paid a visit to her late fan's wake yesterday, June 9, 2017. Nineteen-year-old Carlota "Alot" Alegre passed away last June 6 due to leukemia.


Viral ngayon sa Facebook ang mga larawang kuha sa pagbisita ni Anne Curtis sa lamay ng kanyang namayapang tagahanga.

Si Charlotte Jill A. Alegre, na matagal nang tagahanga ng Kapamilya actress, ay namayapa noong Hunyo 6 sa edad na 19 anyos, dahil sa sakit na leukemia.

Ayon sa Facebook post ni Christian Jed Alegre, kapatid ni Charlotte, dumalaw daw ang It's Showtime host kahapon, Hunyo 9, 2017, sa E. Melgar Memorial Chapel and Service.

Ibinahagi rin ng binata ang screenshot ng pangako ni Anne na nagsasabing bibisitahin niya si Charlotte pagkatapos ng noontime show nito na It's Showtime.

Ani Christian, "Di tayo binigo ni Anne Curtis."

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 40,000 likes at 10,333 shares ang nasabing post.

Bago pa man makarating kay Anne ang nasabing request, humingi ng tulong si Christian sa netizens para maipaabot ang kahilingan niya sa aktres.

Aniya, "Sana may chance na madalaw ni Anne Curtis si alot [Charlotte] ngayon sa burol nya.

"Walang naman mawawala kung susubukan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN