Veteran singer Eugene Villaluz dies at 70

IMAGE MINT College Twitter

Veteran singer Eugene Villaluz died Saturday afternoon, June 10, at St. Luke's Global City, after a short battle with prostate cancer. His nephew, The Company's Moy Ortiz, confirmed the sad news to ABS-CBN News.


Pumanaw na ang veteran singer na si Eugene Villaluz sa edad na 70.

Si Eugene ay namatay nitong Sabado ng hapon, June 10, pagkatapos ng pakikipaglaban sa sakit na prostate cancer.

Pumanaw siya bandang 4:30 ng hapon sa St. Luke's Global City, Taguig.

Unang nakilala si Eugene noong '70s bilang bahagi ng sikat na singing group na The New Minstrels.

Si Eugene ang kumanta ng theme song ng sikat na sop opera noong '70s na Gulong ng Palad.

Ang isa pa niyang hit song ay ang duet nila ni Louie Reyes na "Nothing I Want More."

Ayon sa ABS-CBN News, ang huling major show ni Eugene ay nang mag-perform siya sa Kia Theater noong Pebrero, kasama sina Joey Albert at ang The Company.

Pamangkin ni Eugene ang isa sa mga miyembro ng The Company na si Moy Ortiz.

Agad namang bumuhos ang pakikiramay at pagbibigay-pugay ng ilang kasamahan ni Eugene sa industriya at sa MINT College, kung saan siya nagturo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN