Tom Rodriguez admits he has not yet fully recovered from father's death

IMAGE Tom Rodriguez Instagram

Tom Rodriguez: "Mahirap ang maka-move on nang basta-basta lang. Akala ko nga nalagpasan ko na ang stages of grief. Akala ko tapos na ako. Pero kapag may naaalala ako something about my dad, bumabalik na naman yung lungkot. Para lang siyang cycle ngayon."


Aminado ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez na hindi pa rin siya fully recovered sa pagpanaw ng kanyang ama na si William Albert Mott Sr.

Pumanaw ang ama ni Tom noong March 2017 sa Amerika dahil sa lung cancer.

Pagbalik ni Tom ng Pilipinas, sumabak agad siya sa trabaho para kahit paano ay maging abala siya at hindi masyadong maisip ang pagkawala ng kanyang ama.

Ngunit pag-amin ng aktor, “Mahirap din pala.

“The more that you don’t want to not think about it, lalo mo palang naiisip.

“Mahirap ang maka-move on nang basta-basta lang.

“Akala ko nga nalagpasan ko na ang stages of grief. Akala ko tapos na ako.

“Pero kapag may naaalala ako something about my dad, bumabalik na naman yung lungkot. Para lang siyang cycle ngayon.”

Patuloy ni Tom sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “But life has to go on, as hard as it is.

“Work keeps me busy physically and mentally.

“I am thankful that I was able to do both Mulawin vs. Ravena and I Heart Davao.”

[ArticleReco:{"articles":[news_66562,news_66575,news_66832]

Malaki rin ang pasasalamat ni Tom sa girlfriend niyang si Carla Abellana dahil sa pananatili nito sa kanyang tabi.

Saad niya, “I am very lucky to have someone like her in my life now.

“I really don’t know what will happen if she’s not here with me.

“Eventually, malalagpasan ko rin ito.

“Iba kasi kapag magulang, e. Tapos close pa ako sa dad ko kaya it will definitely take some time.”

Nakausap ng PEP si Tom sa press launch ng upcoming primetime series na I Heart Davao, na ginanap sa GMA Network Center, noong June 8.

FEELING HIS DAD’S PRESENCE. Nagparamdam na ba sa kanya ang kanyang ama mula nang pumanaw ito?

Sagot ni Tom, “Every day, I feel his presence.

“I can feel that he is talking to me and pinapaalahanan niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya I feel happy knowing that he is still there guiding me.

“Marami pa kasi akong gustong gawin para sa kanya.

“Yun siguro ang dahilan kung bakit gusto ko pa rin na nararamdaman ang presence niya.”

Isa raw sa hindi niya nagawa para sa ama ay ang mabigyan ito ng apo.

“We always talk about it kasi. Lagi niya akong tinatanong kung kailan ko siya mabibigyan ng apo.

“Kasi yung mga kapatid ko, nabigyan na siya.

“Malungkot mang isipin na hindi ko nagawa iyon nang maaga for my dad, pero I know na kapag may anak na ako, matutuwa iyon at kahit wala na siya, ikukuwento ko sa anak ko kung gaano kabait ang lolo niya.”

Nasa plano na ba nila ni Carla ang magpakasal soon?

Sagot ni Tom, “Wala pa. Hindi pa nga ako nagpo-propose, e.

“Kami naman ni Carla, we talk about it and we agree na hindi pa kami darating diyan.

“Kasi marami pa kaming gustong gawin, personally and professionally.

“If it happens, then it means handa na kami.

“But for now, career ang priority naming dalawa.”

I HEART DAVAO. Pagkatapos ng kanyang special role sa telefantasyang Mulawin vs. Ravena, mapapanood naman ngayon si Tom sa romantic-comedy teleserye ng GMA Public Affairs na I Heart Davao.

Kasama niya rito sina Carla at Benjamin Alves.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN