PEP EXCLUSIVE. Jovit Baldivino caught with another girl; girlfriend confirms breakup

IMAGE Instagram photo of Shara Chavez

"Dahil sa ginawa nila, naghiwalay po kami, walang magiging buong pamilya ang anak ko," says Shara Chavez following report about Jovit Baldivino being caught with another girl in a Facebook Live video.


Laman ng social media kamakailan ang post ng girlfriend ni Jovit Baldivino tungkol sa pagiging malapit umano ng singer sa isang babae.

Nag-post si Shara Chavez sa kanyang Facebook account ng ilang larawan ni Jovit kasama ang isang babae; ang iba ay tila screenshot mula sa isang Facebook Live video.

Ang naturang babae umano ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dating Pilipinas Got Talent grand winner.

Sa caption nito, isinulat ni Shara, “Akala mo naman wala akong kopya, holding hands daw kayo oh nahiya kapa!!

“Uyyy ati girl wag masyado kiligin, may gf at baby na yan. Pero dahil ang ganda mo wala ng #happyfamily.

“Thanks facebook, abot ko ang kalandian nyo! Haha ?

“P.S. umakyat din si ate girl sa stage dun sila nagkakilala (june 3 lang) and now dinayo na po sya ni idol and welcome sa family. God bless sa inyo! ♥?
#fanturnedgirlfriend now signing off #walangforever #aymeronpalasaSTAGE”




Ang naturang post ay nabura na sa Facebook account ni Shara, ina ng mag-iisang taong anak ni Jovit.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shara kahapon, June 11, kung saan kinumpirma niya ang pag-post ng mga naturang larawan.

Sinabi niya na noong June 3 lamang nakilala ni Jovit ang babaeng kasama niya sa larawan.

Noong June 9 ay pinuntahan daw ni Jovit ang babae sa tinitirhan nito, kung saan kuha ang Facebook Live video.

THE BREAKUP. Tinanong ng PEP kung totoo ang lumabas na balitang hiwalay na sila ni Jovit, bagamat hindi pa sigurado kung may relasyon nga ang singer at ang babae sa larawan.

Sagot ni Shara, “Dahil sa ginawa nila, naghiwalay po kami, walang magiging buong pamilya ang anak ko.”

Naging magkasintahan sina Jovit at Shara noong September 2015.

July 2016 nang isilang ang kanilang anak.

Ayon kay Shara, nangako si Jovit ng kasal pagkatapos ng pagdiriwang ng kaarawan ng anak nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP si Shara kung ano ang naging reaksiyon ng singer.

Tugon niya, “Sa kanya na nanggaling na hindi na daw kami magkakabalikan.

"Never siya nag-sorry for what happened and he never admitted na nagkamali po siya."

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Shara sa ginawa niyang pagpu-post ng mga larawan.

Aniya, “Sorry po kung nag-post man ako dahil it's the last thing I could do.”

Huli raw nakausap ni Shara si Jovit noong Sabado, June 10. Ngunit tila hindi pa rin naresolba ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Sa ngayon ay wala pang anumang pahayag na inilalabas si Jovit tungkol sa viral photos niya kasama ang isang babae.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ni Jovit at ng kasama niyang babae sa larawan tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN