Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Richard Gomez remembers talent manager Douglas Quijano on 8th death anniversary

by Gorgy Rula
Jun 14, 2017
Ormoc Mayor Richard Gomez: "Si Tito Dougs, nandito lang 'yan, nakatingin sa amin, tuwang-tuwa yun for us."

Ilan sa mga dating alaga ng namayapang talent manager na si Douglas Quijano ay ginunita kahapon, June 13, ang kanyang pagpanaw walong taon na ang nakararaan.

Pumanaw si Douglas sa Lucban, Quezon, noong June 13, 2009, sa edad na 64.

Read: Talent manager Douglas Quijano passes away at 64

Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, isa sa mga paboritong alaga ng namayapang talent manager, marami siyang nakitang Facebook posts ng mga kaibigan sa showbiz tungkol sa death anniversary ni Tito Dougs

“Nagpamisa kami dito,” pakli ni Richard, na kasalukuyang abala sa pag-aasikaso ng kanilang kapiyestahan sa Ormoc.

Alam daw ni Richard na masaya ang dating manager at itinuturing na tatay-tatayan sa lahat ng mga na-achieve niya sa kanyang career.

Saad ng actor-politician, “Yun nga ang iniisip ko dito, na sa dami ng nagawa namin dito at sa dami ng mga achievements na nagawa namin sa Ormoc, na si Tito Dougs, nandito lang ‘yan, nakatingin sa amin, tuwang-tuwa yun for us.”

Continue reading below ↓

ORMOC FIESTA. Natutuwa ring ibinahagi ni Mayor Goma ang mga preparasyon nila sa fiesta ng Ormoc.

“First time ko na nag-celebrate ng fiesta as Mayor dito sa Ormoc.

“Nagulat ako dahil ang fiesta namin dito, hindi pala isa o dalawang araw lang, tatlong linggo ang celebration!” natatawa niyang kuwento.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kaya hindi pa raw niya masabi kung kailan siya makakabalik sa pag-aartista dahil sa Ormoc muna siya nakatutok.

Saad ni Richard, “These past few months, tinatanong ako kung gusto ko gumawa ng soap.

“Ang sabi ko, gusto ko talaga. Ang problema lang natin, ang schedule na dapat sa Manila lagi, e.

“Sabi ko, give a little more time na gawin ko ang trabaho ko dito, tapos pag stable na, okay na, tumatakbo na lahat, I can do guestings once in a while.”

Read Next
Read More Stories About
Richard Gomez
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ormoc Mayor Richard Gomez: "Si Tito Dougs, nandito lang 'yan, nakatingin sa amin, tuwang-tuwa yun for us."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results