Sarah Lahbati and Richard Gutierrez put plan for second baby on hold

IMAGE Noel Orsal

Sarah Lahbati on having a second baby: "Gusto talaga namin ni Chard na sundan si Zion, kasi he's four years old na. Ang bilis ng panahon, ayoko naman hintayin na mag-six siya, seven years old, na walang kasunod na kapatid. So we're working on that. We're waiting for the right time."


Kinumpirma ni Sarah Lahbati ang plano nila ni Richard Gutierrez na masundan na ang kanilang anak na si Zion, pero hindi raw muna ito matutuloy.

Ang busy schedule nila ni Richard ang sinabi ni Sarah na dahilan kaya “on hold” muna ang kanilang balak.

Sabi ng StarStruck alumna, “Gusto talaga namin ni Chard na sundan si Zion, kasi he’s four years old na.

“Ang bilis ng panahon, ayoko naman hintayin na mag-six siya, seven years old, na walang kasunod na kapatid.

“So we’re working on that. We’re waiting for the right time.”

Ano ang gusto nilang maging second baby—girl or boy?

Ayon kay Sarah, “Gusto ko, boy. Si Chard, I think gusto niya girl.

“Kapag boy, madaling alagaan, di ba?

"Parang hayaan mo lang, takbo lang nang takbo. Kumbaga, hindi maselan.

“Kapag babae kasi, I know, kasi babae ako.

“Alam ko yung mga sakit ng ulo na ibinigay ko sa mga magulang ko, kaya gusto ko boy!”

Nang magbuntis si Sarah kay Zion, nagpunta siya sa Switzerland at inilihim sa publiko ang kalagayan niya.

Kung sakaling magbuntis siya, ang magsilang muli sa ibang bansa ang balak ni Sarah.

Paliwanag niya, “I love privacy pa rin and I was talking to Chard, kung magkaka-baby kami, gusto ko sa abroad manganak uli.

“Kasi gusto ko mag-focus sa pag-aalaga sa future baby.

“Medyo stressful pa rin kapag maraming nangyayari o may trabaho.

“Gusto ko, yun lang ang priority ko kapag dumating tayo diyan.”

NEW MOVIE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah sa special screening ng pelikulang Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz, na ginanap sa UP Cine Adarna, nitong Miyerkules ng gabi, June 14.

Natutuwa si Sarah dahil pinupuri ni Erik Matti ang performance niya sa pelikula .

Si Erik ang producer ng Viva Films movie na mula sa direksiyon ni Katski Flores.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabid ni Sarah, “Pagkatapos ng hardwork at pagod, ang ganda ng kinalabasan ng ginawa namin, ng trabaho namin.

“Salamat kay Direk Erik Matti sa papuri.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN