Is Robi Domingo closing his doors to reconciliation with Gretchen Ho?

IMAGE Nikko Tuazon / @gretcheho on Instagram (insert)

Robi Domingo on maintaing communication with ex-girlfriend Gretchen Ho: "We don't. It's a choice. Kasi, when we put the strings again, baka ma-attach na naman, e. Ito yung mga lessons of life na itinuro sa akin ng buhay ko, with my previous relationships, na kailangan kong kunin ngayon at ina-apply ko."


Wala raw muna sa isip ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo ang posibilidad na magkabalikan sila ng ex-girlfriend na si Gretchen Ho. 

Ito ang nilinaw ni Robi nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Watsons Bro Camp event, na ginanap nitong Huwebes, June 15, sa Podium Mall.

Pahayag ng Star Magic talent, "I'm not thinking about that one right now, kasi iniisip ko muna yung sarili ko."

Pormal na kinumpirma nina Robi at Gretchen ang kanilang breakup sa pamamagitan ng isang joint statement na ipinadala sa Tonight With Boy Abunda noong March 1, 2017.

Read: Gretchen Ho, Robi Domingo confirm breakup

Hindi naman itinanggi ni Robi na pareho silang nasaktan ni Gretchen sa pagtatapos ng kanilang relasyon.

Pahayag ng 27-year-old TV host, "Masakit naman talaga.

"We had a talk, long, long talk before, and I'm just really happy that she's taking it well.

"I know that she's a brave, tough girl, pero she's taking it all well."

Pinili rin muna nina Robi at Gretchen na ihinto ang kanilang komunikasyon sa isa't isa, maliban sa pagkikita nila sa events o programa.

Paliwanag ni Robi, "We don't. It's a choice.

"Kasi when we put the strings again, baka ma-attach na naman, e.

"Ito yung mga lessons of life na itinuro sa akin ng buhay ko, with my previous relationships, na kailangan kong kunin ngayon at ina-apply ko.

"At the same time, we don't text, but we usually see each other once a week because of the show, University Town, so medyo kailangan namin ng rapport."

SURPRISE VIDEO. Samantala, napadako ang usapan tungkol sa viral video ni Robi, na kuha sa Binibining Pilipinas 2017 grand coronation night noong April 30, kung saan nagbigay ito ng sweet message sa dating kasintahan.

Paliwanag niya tungkol dito, "What happened in Binibini was way long [ago]...

"Parang yung nangyari sa Binibini, it wasn't my intention to have it aired, kasi I was out of the country during that time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Number two, it was taped mga last week of February pa, and I didn't know na she's gonna be a judge.

"So what happened was the discretion talaga ng producers...

"I don't know about the director, kasi tinanong ko si Mr. M [Johnny Manahan], hindi daw siya yun. Mga producers siguro.

"So, ayun... and I think she knew what happened back then."

SANDARA PARK. Nitong nakaraang June 6, nagbigay ng pahayag si Gretchen sa Tonight With Boy Abunda tungkol sa pagkaka-link ni Robi sa dating 2NE1 member na si Sandara Park.

Sa panayam, pinabulaanan ng dating volleyball player na nagkaroon ng mas malapit pang ugnayan ang dalawa nung sila pa ni Robi.

Pahayag ni Gretchen, "My gut feel says hindi siya totoo.

"And I know Robi, and I trusted him a lot, and I know he's a good person.

"So I don't think there's anything that happened between them while we're together."

Kahapon, hiningan din ng reaksiyon ng press si Robi tungkol sa naging pahayag ni Gretchen.

Sabi niya, "Hindi naman ako dapat magulat kasi wala naman talagang nangyayari."

Nais din ni Robi na matigil na ang isyu sa kanila ni Sandara.

Pahayag ng dating Pinoy Big Brother teen housemate, "Let me say this, please, just enough with the whole idea.

"Kasi nahihiya na po ako dun sa tao, e. She has been giving us honor, especially with all the stuff she does.

"And, at the same time, si Gretch... ang dami nang successful moments these days, so congratulations sa lahat. 

"Let's just be happy for everyone."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN