Diether Ocampo to become a Kapuso after Magpakailanman stint?

IMAGE Noel Orsal

Diether Ocampo on taking a break from acting: "Hinihintay lang namin ang tamang project at, siyempre, yung tamang makakapareha. Mahirap din kasi na gagawa ka tapos hindi rin ganoon ka-fulfilling ang gagawin natin."


Bumisita sa Kapuso morning programa na Unang Hirit ngayong Biyernes, June 16, ang aktor na si Diether Ocampo.

Nag-promote siya ng guest appearance niya sa episode ng drama anthology na Magpakailanman na ipalalabas bukas, June 17.

Pinamagatang “Breastfeeding Dad: The Anton Ramos Story,” ito ang ang special Father's Day presentation ng Magpakailanman.

Halata ang paninibago ni Diether sa panayam sa kanya ng Unang Hirit hosts na sina Rhea Santos at Suzi Entrata-Abrera.

“Sana” ang sagot ni Diether nang itanong nina Rhea at Suzi kung masusundan pa ang paglabas niya sa mga programa ng Kapuso network.

Si Arnold Vegafria ng ALV Talents ang namamahala ngayon sa showbiz career ni Diether, na matagal na nagpahinga sa pag-arte.

Huli siyang napanood sa drama series ng TV5 na Bakit Manipis ang Ulap? noon pang 2016.

Pahayag ng dating Kapamilya actor tungkol sa pamamahinga niya sa pag-arte, “Siguro nagkakataon lang.

"Hinihintay lang namin ang tamang project at, siyempre, yung tamang makakapareha.

“Mahirap din kasi na gagawa ka tapos hindi rin ganoon ka-fulfilling ang gagawin natin.

“This time siguro, ipinagdasal ko rin yun dahil matagal din ako na hindi nakapagtrabaho na katulad ng ganitong klaseng proyekto.

“So, malaking pasasalamat ko dahil nabigyan ako ng opportunity.”

CRUSH ON MEGAN YOUNG. Si Miss World 2013 Megan Young ang kapareha ni Diether sa episode ng Magpakailanman bukas.

Sabi ng 43-year-old actor, “It was a pleasant working with her."

Inamin ni Diether na isa si Megan sa Kapuso stars na crush niya.

“To be honest, Megan was one of my crush

“Para siyang isang dalagang Pilipina na nagharap siya sa ating bansa… talagang nagulat din ako... beauty queen.”

Sa tanong na in love ka ba ngayon, sabi ni Diether, “In love ako na magtrabaho uli.”

Umamin ang aktor na loveless siya ngayon dahil hindi pa siya nakakatagpo ng babaeng simple lang at typical Filipina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinab ni Diether na huli siyang kinilig nang gawin nila ni Megan ang Magpakailanman episode.

“Kinilig talaga ako sa episode na ginawa namin.

“Yung chemistry namin ni Megan Young, nagulat din siya. Pareho kami...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN