PEP EXCLUSIVE. Pokwang confirms she's seven weeks pregnant

IMAGE Glenn Regondola

Pokwang is happy. Her partner Lee O'Brian is happy. And she is grateful: "Maraming salamat sa mga natuwa sa aking pagbubuntis."


Kinumpirma ng Kapamilya comedienne na si Pokwang na pitong linggo na ang kanyang ipinagbubuntis.

Sa ekslusibong pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pokwang, sa pamamagitan ng direct messaging sa Twitter, ngayong hapon ng Biyernes, June 16, sinabi ng Ang Probinsyano star na masayang-masaya ang kanyang partner na si Lee O’Brian sa pagdadalantao niya sa kanilang panganay.

“Happy siya at parents niya excited siyempre.”

Dagdag pa niya, “Seven weeks and kahit anong gender basta malusog at normal na bata.”

Sa kanyang status naman sa Twitter, nagpasalamat ang Kapamilya star sa lahat ng kanyang mga tagahanga na masaya rin sa kanyang pagbubuntis.

Kahapon, June 15, naging usap-usapan ang diumano'y pagbubuntis ni Pokwang dahil sa Facebook status ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz.

Stories We Are Tracking

Pokwang is pregnant with Lee O'Brian's baby
Pokwang is pregnant with Lee O'Brian's baby


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN