Ryza Cenon says BF Cholo Barretto had no hand in her decision to join Viva

IMAGE Glenn Regondola

Ryza Cenon clarifies that her boyfriend Cholo Barretto, a Viva talent, didn't influence her in any way regarding her decision to join Viva Artists Agency: "Wala talaga. Actually, siya nga, ayaw niya na same management kami. Kasi baka magkaroon nga ng comparison. 'Bakit si ganito binibigyan niyo?' Ayaw niya talaga."


Ngayong may malaking pagbabago sa TV at movie career ni Ryza Cenon, marami ang nagsasabing maging ang personal niyang buhay ay maapektuhan.

Si Ryza ay ang girlfriend ng Viva talent na si Cholo Barretto at siyam na buwan na silang magkarelasyon.

Pahayag ng 29-year-old actress, "Wala naman.

"Wala pa po kami sa tamang taon para magplano na magpakasal.

"Wala pa po. Ano lang, chill lang.

"Ano, getting to know each other, kasi wala pa naman kaming isang taon, e.

"Okey lang yun, para hindi gaanong ma-surprise kung ano... ma-surprise tungkol sa mga ugali o ano."

FOR KEEPS? Sa nakaraang panayam kay Cholo, nasabi nito na pakiramdam niya ay si Ryza na talaga ang 'The One' para sa kanya.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Ani Ryza, "Sana naman.

"Lahat naman ng... kami naman ay open naman sa kung ano ang pasukin namin.

"Once naman kasi pumasok ka sa anumang relasyon, gusto mo naman talaga na sana ay ito na ang last, e.

"Sana rin po talaga, siya na rin ang last para sa akin."

Nakailang relationship na ba siya bago kay Cholo?

NO COMPARISON. Kumpara sa mga dati niyang nakarelasyon, kumusta namin ito bilang boyfriend?

Lahad niya, "Pang-apat po si Cholo.

"Mahirap pong magkumpara.

"Magkakaiba sila ng personality, magkakaiba sila ng lamang, so iba-iba nga po.

"Mahirap at di ko siya kayang ikumpara sa iba... sa mga naging ex ko."

Pero sa palagay ba niya ay husband material ito?

Diin ng dating Starstuck grand winner, "Opo, oo naman.

"Napaka-responsible niyang tao.

"Okey siya lalo na sa mga desisyon din sa buhay niya.

"'Kala niyo lang chill [siya], hindi din.

"Hindi rin masyado, seryoso din."

Nakapanayam ng PEP.ph (PhilippineEntertainment Portal) ang dating Kapuso actress sa contract-signing nito na ginanap sa Viva office, sa Tektite Building, Ortigas Center noong Huwebes, June 15,

NO INFLUENCE ON MANAGEMENT DECISION. Siya ay pumirma ng five-year managerial contract sa Viva Artists Agency matapos nag-expire ang kanyang kontrata sa GMA Artist Center nitong taong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa akusasyon ng karamihan na malaking impluwensiya ang kanyang boyfriend sa paglipat niya sa VAA, ito ang naging paliwanag niya.

Paglinaw niya, "Wala, wala.

"Wala talaga.

"Actually, siya nga, ayaw niya na same management kami.

"Kasi baka magkaroon nga ng comparison. 'Bakit si ganito binibigyan niyo?'

"Ayaw niya talaga.

"Desisyon ko nga siya, so wala siyang magagawa dun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN