Bea Binene remains strong despite dad's absence

IMAGE Rose Garcia

Bea Binene admits she hasn't seen her dad for four or five years now, and has no clue about his whereabouts. Despite this, she harbors no ill feelings towards him: "Tanggap ko naman na po. Naintindihan ko naman po ang situwasyon. Oo, darating ang panahon like Father's Day, mami-miss ko si Papa."

 


May ilang taon na ring hindi nakikita o nakakausap ni Bea Binene ang kanyang tunay na ama.

Kaya ngayong Father's Day, minabuti naming kumustahin ang sitwasyon niya tungkol dito.

“Hala, hindi ako prepared!

“Paano ko sasagutin?” natawang reaksyon ng isa sa mga bida ng Mulawin Vs. Ravena nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang sa Limbaga Restaurant, Quezon City.

Matagal na raw silang hindi nagkakausap ng daddy niya.

“Matagal na po. Siguro mga four or five years na,” estima niya.

Wala raw siyang natanggap na “hi” o “hello” man lang sa loob ng naturang panahon.

Pero palagay ni Bea, nasa ibang bansa lang ang kanya ama.

Aniya, “Feeling ko, kung nasaan man siya noon, nandoon pa rin siya ngayon.”

Nang tanungin namin si Bea kung bakit nawalan sila ng pagkakataong magkita o mag-usap, sagot niya, “Dahil sa mga bagay-bagay.”

MISSING HER DAD. Tinanong din namin siya kung hindi ba gumawa ng kanyang ama ng paraan para magkaroon sila ng pagkakataong magkita oa magkausap man lang.

Sabi niya, “Tanggap ko naman na po.

“Naintindihan ko naman po ang situwasyon.

“Oo, darating ang panahon like Father’s Day, mami-miss ko si Papa.

“May point na kapag may kakainin kang food, 'Ay, favourite namin yun ni Papa.'

“Yung mga ganun, naiintindihan ko naman po ang situation.”

Nami-miss ba niya ang Papa niya?

“Oo, nami-miss, kasi Papa’s girl ako e,” pag-amin niya.

“Pero yun nga po, naiintindihan ko naman ang situation.”

Posible rin kayang siya ang mag-initiate ng first move?

“Siguro... sometime soon. Anytime in the future,” saad niya.

NO TAMPO. Mas nakakalamang ba ang pagka-miss niya sa kanyang ama kumpara sa pagkakaroon ng sama ng loob dito?

“Nami-miss ko siya,” pag-amin niya.

Wala siyang tampo?

Paglinaw niya, “Hindi galit.

“Siguro yun lang, minsan, nami-miss ko siya.

“Alam ko naman na proud siya sa akin. Feel ko lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MESSAGE FOR DAD. Bagamat halatang iniiwasan niyang maging emosyunal, lumabas pa rin ang pagka-senti ni Bea nang hiningan namin siya ng mensahe para sa kanyang Papa ngayong Father's Day.

Aniya, “I just want him to take care of himself all the time.”

Sa isang banda, sa edad niyang 18, tila tumayo na rin naman siyang “padre de familia” sa kanyang ina at nakababatang kapatid.

“Opo, tulungan kami ni Madir.

“Naging kami na ni Mama ang nagtutulungan,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN